VIII. Forgotten Occasion [KaiYeol]

413 34 4
                                    

Chanyeol's POV

"Okay na ang lahat, Yeol. Kayo na lang ni Kai ang kulang." Sabi ni Baek sakin.

Halos three days din naming pinaghandaan 'to ni Baek. Buti na lang at tinulungan niya ako. Three days na rin na hindi kami naattend sa klase. Wala din namang ginagawa kasi busy ngayon ang mga teachers.

"Salamat, Baek ha? Baka hindi ko 'to natapos kung wala ka."

"Okay lang yun. Magkaibigan naman tayo eh. Sige na, umuwi ka na't mag ayos ka na. Ako na munang bahala dito." Sabi niya at tumango naman ako. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at kinuha ang cellphone ko't tinext si Kai.

To. Kai Babe ko <3

Let's have a dinner date tonight. 6:00pm sharp at Cheverlu Park. I'll wait for you. Love you. :*

-Sent-

Napangiti ako bago ko pinaandar ang sasakyan ko. 4:27pm pa lang. This time, aasa ako ng sobra. Aasa ako na dadating si Kai. Sa tuwing aayain ko kasi siya hindi siya sumisipot, tatlong beses pa lang siyang nagpunta at sinipot ako kaya sana dumating siya mamaya.

Nang makarating ako sa bahay ko ay agad akong naghanap ng susuotin ko at naligo na ako't nag'ayos ng sarili ko.

5:39pm ng tingnan ko ang oras at tiningnan ko ang cellphone ko kung nagtext si Kai pero wala. Sanay na ko na hindi siya nagrereply sa mga text ko pero alam ko namang nabasa niya yun eh.

Umalis na ako ng bahay at tinext si Baek na malapit na ako.

5:57pm ng dumating ako sa Park kung saan nakaayos na lahat. Mahalaga para sakin ang araw na 'to. Sobra. Kaya sana pumunta siya.

Umalis na din kaagad si Baek baka daw kasi dumating na si Kai.

6:30pm na, wala pa rin si Kai. Dadating siya. Alam kong dadating siya. Sana naalala niya kung anong meron ngayong araw.

7.34pm na pero wala pa rin si Kai. Nawalan na ako ng pag asa kasi yung time na sumipot siya sa date namin ay on'time naman siya pero ngayon... One and a half hours na pero wala pa rin siya. Alam kong hindi na siya dadating.

Ngumiti ako ng mapait at tumayo na. Kinuha ko yung box na ibibigay ko sa kanya at sumakay na ako sa sasakyan ko.

Dinial ko ang number niya pero pinatay niya lang ang tawag ko. Masakit. Siguro hindi niya naalala kung anong meron ngayon.

Pinaandar ko ang sasakyan ko. Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko. Huli na 'to.

Agad akong bumaba sa sasakyan ko at kinuha ko yung regalo ko para kay Kai. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng gate ng bahay ni Kai. Normal na sakin yun.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto niya. Ilang segundo rin lang ay bumukas na yun. Nakangiti ako pero unti unting nawala yun ng makita ko yung taong nagbukas pero agad din akong ngumiti ng pilit sa kanya.

"Kyungsoo... Goodevening. Si Kai?" Sabi ko na parang okay lang sakin na nandito siya sa bahay ni Kai kahit hindi.

"Ah! Nasa---" naputol ang sasabihin niya ng marinig ko ang boses ni Kai.

"Soo! Tara na para di tayo masyadong gabihin." Rinig kong sabi ni Kai habang inaayos ang jacket niya habang nakatungo papunta sa pinto kung nasaan kami ni Kyungsoo. Hindi niya napansin na nandun ako kasi nga nagaayos siya ng jacket na suot niya.

Nang magtaas siya ng tingin ay agad na nagtama ang maga mata namin. Halatang nagulat siya.

"M-May.. lakad kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa kahit halata naman ang sagot.

"Sinundo ko lang si Kai kasi gusto daw siyang makita ni Myungsoo." Sagot ni Kyungsoo sakin. Tumango tango naman ako at napahigpit ang hawak ko sa box na dala ko.

Si Myungsoo ay nakababatang kapatid ni Kyungsoo at malapit talaga sila ni Kai.

"Pwede ko bang makausap sandali si Kai? Saglit lang 'to, promise." May halong pagmamakaawa na sa boses ko. Sabi ko nga di ba, last na 'to.

---
Nandito kami ni Kai ngayon sa garden ng bahay niya at si Kyungsoo naman ay nasa loob, hinihintay na matapos kaming mag'usap ni Kai.

"Hindi ka nakapunta.." Pambasag katahimikan ko.

"As expected. Ganun naman talaga ako di ba, hindi naman lahat ng pagaaya mo pinuntahan ko." Sabi niya na parang wala lang sa kanya ang lahat. Ngumiti ako ng pilit habang nakatungo. Nasasaktan na kasi talaga ako.

"Nakalimutan mo siguro kung anong meron ngayon? O talagang hindi mo alam? Kung sabagay, ako lang naman kasi yung mapilit sa'ting dalawa." Sabi ko at natawa ako ng mapait.

"Dahil lang ba sa hindi ako pumunta kaya ka nandito? Kasi kung walang kwenta rin naman ang patutunguhan nito, umuwi ka na. May lakad pa kami ni Kyungsoo." Napapikit ako dahil sa sinabi niya.

"Let's end this Kim Jongin. Let's end this so-called-relationship." Sabi ko at tiningnan ko siya sa mata. Napataas ang kilay niya pero hindi siya nagsalita kaya nagsalita ulit ako,

"Masakit pala noh? Na ipagpilitan mo yung sarili mo sa taong kahit kailan hindi ka magugustuhan? Sorry Kai ha? Kung umabot pa ng ganito katagal bago ko tapusin 'to. Akala ko kasi dadating yung araw na mamahalin mo rin ako, na ngingiti ka dahil sakin. Akala ko lang pala lahat yun. Salamat sa lahat ha?" Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Sorry din kung naiinis kita, sa lahat ng sakit ng ulo na dala ko sayo. Huwag kang mag'alala, hinding hindi na kita guguluhin pa. Last na 'to. Last na 'to na makikita mo yung Park Chanyeol na mahal na mahal ka. Yung Park Chanyeol na walang inisip kundi yung sarili niya. Last na 'to." Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko. Kinuha ko yung box na pinatong ko sa isang tabi kanina.

"Salamat sa lahat ng memories. I love you and goodbye, Kai." Inabot ko sa kanya yung box at binitiwan ang mga salitang akala ko maririnig ko sa bibig niya ngayong araw pero talagang imposible pala kasi nagulat pa siya.

"Happy first Anniversary, Kim Jongin. And Happy Birthday to me."

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon