Chapter 1: Morning Guy

6 1 1
                                    

A/N: Isa tong history :) Kung gusto mong basahin, GO! Kung ayaw mo? Okay lang din.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Forever? Maniniwala pa rin ba ako diyan? Yung nanay ko, bata pa lang ako, iniwan niya na ako. Yung mga kaibigan ko dati? Ayun iniwan na nila ako at nag-iba na sila. Yung mga naging bf ko? Ayun iniwan din ako ni hindi nga tumatagal ng 1 month yung mga yun ee. So tell me, maniniwala pa ba ako dun?!

"Jane gising na.." sabi nung kasambahay namin. Ayun tumayo na ako, inayos yung higaan ko, kumain na tapos ayun naligo at nagbihis na.

Ngayon naglalakad na ako sa hallway ng school. Masyado ata akong maaga. Pagkaliko ko sa dulo ng hallway, nakita ko ang isang lalaking nakatambay sa tapat ng room nila, 4th year high school ata to.. 3rd year ako ee. Kulot siya, nakasalamin, maporma naman, sikat din siya dahil sa maganda niyang boses at medyo masarap siyang titigan. Pero kahit sikat siya, hindi ko siya kilala, hindi ko alam anong pangalan niya.

Sa mga sumunod na araw, ganun pa rin ang nangyayari. Maaga ako, pati siya. Lagi kong nadadaanan room nila. Siguro nga crush ko na siya.

"Okay class you may have your break" sabi ng teacher namin at biglang lumabas lahat ng kaklase ko -.- mga patay gutom hahaha. Kahit hindi ako gutom, lumabas ako, sa may tapat lang naman ng room namin at tumambay dun. Kitang kita ko kasi yung room nila morning guy mula dto sa kinatatayuan ko.

"Crush mo si Dave?" tanong ng kaklase ko, si zelle. Hindi ko namalayan na nakatitig ako kay morning guy. So Dave pala ang name niya.

"Ha? Hindi ah" sabi ko, ayokong may nakakaalam nun.
"Buti naman, crush kasi yun ni Sophie ee" sabi niya at pumasok na sa room.

Si Sophie? Ang pinakamaganda sa room namin, magaling maggitara yun at sikat siya, sobra! Hahaha.. Hanggang tingin nalang siguro ako kay Dave.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Totoo nga po pala lahat ng nandito hahaha :D

DJ HISTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon