February 3 2015
The day I've been waiting for.. Mag iisang linggo na din mula ng panliligaw niya. Mabilis ba? Hahaha.. Sabi nga nila ang RELASYON ang PINAPATAGAL hindi ang PANLILIGAW. Naghahanda ako ng lunch time.. Hindi nga ako nakakain ng maayos ee.. Hinahanda ko kasi yung gagawin ko mamaya para sa pagsagot ko sa kanya..
"O mudra, 1st, 2nd, 4th, 5th, Jen, Jev, Reysha, alam niyo na ang gagawin niyo okay?" sabi ko sa kanila habang kumakain sila.
"Sasagutin mo siya? Kahit hindi sya nagtatanong ng 'Will you be my girlfriend?'" tanong ni Beverly. Aba paki niya saamin? -.-
"Oo bakit? May problema ka ba dun?" tanong ko sa kanya.
"Paano kung ayaw niya pala? Ayaw ka naman pala niyang maging gf?" tanong niya ulit. Ang ano naman neto. Malamang gusto niya maging gf ako, un kaya purpose ng panliligaw."Andyan na siya.." Signal saakin ni 1st.. Nagtext kasi ako kay Dave kanina, sabi ko may mahalaga kaming pag uusapan. Gusto ko siyang takutin haha..
Lumabas na ako at hinarap siya.
"Sorry Dave, sorry.. Ayoko na.. Ayoko nang manligaw ka. Tama na yan. Please? Sorry talaga sorry Dave.." unang sambit ko sa kanya. Naging malungkot yung mga mata niya, at nakita ko yun.. Tumabi muna ako sa gilid dahil isa isa ng lumapit yung mga kaklase ko, nagbigay sila ng papel sa kanya. May mga sinulat ako sa mga papel na yun. At nasa akin ang huling papel. Natapos na silang lahat kaya sumunod na ako.."Ayoko ng manligaw ka kasi.. Sinasagot na kita" nakangiti kong sabi sa kanya. Parang nagulat siya pero di nagtagal, ngumiti rin siya. Ang saya saya niya. Makikita mo naman sa mata yun ee.. Masaya din ako syempre..
BINABASA MO ANG
DJ HISTORY
Short StoryIsa itong kwento na puno ng saya at lungkot. Isang kwento na nagpapakita kung ano ang nangyayari ngayon. Isang kwento na naging kasaysayan.