Chapter 3: Friendship OVER?

4 0 0
                                    

Maaga na naman at naglalakad ako papunta sa room. Nandito na ako sa hallway at paliko na. Inayos ko ng mabuti yung sarili ko kanina, aba syempre makikita na niya ako. Pagkaliko ko, ayun nakita ko nanaman siya..

Nakatingin siya sa phone niya kaya binagalan ko ng lakad.. Inangat niya yung ulo niya at nakita niya ako.. Kaya nginitian ko na siya. Nagulat siya pero mas nagulat ako ng bigla din siyang ngumiti saakin. Nagkatitigan kami pero di ganun katagal.

"Good morning" sabi niya habang nakangiti.
"Good morning din" tapos dumiretso na ako sa room.

Sa mga sumunod na araw, naging katext ko siya. Nalaman ko nga na may nililigawan siya na nagngangalang Ariane. Hahaha.. Naging close kami ni Dave, nagkacall sign pa nga kami ee.. Tinatawag ko siyang "KIRITO" at tinatawag niya akong "ASUNA". Mga main characters yan sa paborito naming anime.. Nagkaroon nga kami ng Friendsarry number ee, 5. Paborito kasi naming number yun ee.

Pinakilala niya pa nga ako sa barkada niya. At medyo naging close din ako sa kanila tulad ni kuya Dom, kuya Alex, ate Jas at ate Tene.

"Bakit ang lapit lapit niyo sa isat isa?!" biglang sabi saakin ni Beverly, sa pagkaka alam ko, may gusto si Beverly kay Dave kahit may bf na siya. At ang alam ko din, may gusto si Dave sa kanya kahit may nililigawan si Dave.

"Ha? Kasi magkaibigan kami?" patanong na sagot ko. Umirap at nag walk out sya pagkatapos nun..

Kinagabihan? Nag isip ako ng mabuti. Wala pang isang buwan kaming nagkakilala pero may problema na kami agad.. Naisip ko na dapat ko na siyang layuan. Mahirap kalabanin si Beverly ee.

Kinabukasan, pilit ang layo ko kay Dave, hindi ko na rin siya nirereplyan. Halatang umiiwas talaga ako. Text siya ng text saakin..

Dave: Bakit ka lumalayo? Mag usap naman tayo. Asuna please? Ayoko ng ganito ee. Sabihin mo yung problema please lang Asuna.

At dahil hindi ako nakatiis, nakipagkita ako ng lunch break. Sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Beverly. At bigla kong nalaman na.. Strangers nalang sila. Pero bigla kong naisip, may nililigawan siya kaya nagsuggest nalang ako ng FRIENDSHIP OVER.

Ilang araw din mula ng pinutol ko ang pakikipag kaibigan ko sa kanya. At ngayon? Hindi ko na matiis na ichat siya. Oo ginawa ko un, binabawi ko kasi ung Friendship over na yun. Pero walang reply. Lagi namang ganun. Miss ko na siya. Miss ko na talaga si Kirito nuon.

Patulog na sana ako ng biglang tumawag si Dave saakin.

DJ HISTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon