February 14 2015
Nagising ako ng may ngiti sa labi ko.. Alam ko kasing magiging sweet na sweet siya ngayong araw.. Pero nagkamali ako. Pagising ko, good morning lang ang nabasa ko. Ang cold cold niya. Hay ano ba yan. Valentines na valentines ee. Bakit kaya ganito siya? Baka medyo busy lang? Sana nga.
Pumasok na ako ng school. Late ata siya pumasok, di ko siya nakita ng umaga ee. Nung break time, busy nanaman ata ang loko. Pumunta saakin sila ate Jas.
"Tara gala tayo mamayang lunch!" sabi nila saakin.
"Sige po magpapa alam ako kay Dave" ayun sabi ko tapos umalis na din sila.
Nagtext ako kay Dave bago magtime..
Ako: Kirito ko, sasama ako kila ate Jas mamayang lunch ah? Gagala daw kami ee.At maya maya, nagreply siya..
Siya: Ah sige.Grabe napaka cold talaga.. Hindi ko na siya nireplyan nakaka inis naman yun. :3 hay..
*Lunch Time*
Nag ayos ako syempre mga babae makakasama ko. Ayun lumabas kami ng school. Gumala kami pero sa gitna ng paglalakad namin, bigla silang tumigil at binlind fold ako gamit yung scarf na red na suot ko na pinahiram ni Dave ko. Naglakad kami ng naglakad. Grabe naman. Saan kaya ako dadalhin ng mga to?Maya maya, iniwan nila akong nakatayo dun. Feeling ko anytime pwede akong mabunggo -.-
Pinatanggal nila saakin yung scarf tapos bigla kong narinig yung boses na pinakahihintay ko. Yung boses na nagpa ibig saakin ng ganito."Para kang asukal, sintamis mong magmahal
Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan, pinapainit mo ang aking tyan
Para kang kumot, na yumayakap saakin sa tuwing akoy nalulungkot" kanta ni Dave habang papalapit saakin. Nandito buong barkada niya. Naggigitara si Kuya Alex."Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala
Kundiman tayo hanggang dulo, wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw" at habang kinatanta niya yan. Biglang lumapit si ate Jas at ate Tene, nagbigay sila ng boxes.Pagkatapos, siya naman yung lumapit saakin, binigyan din ako ng box. Tapos may kinuha syang maliit pa na box sa loob nung binigay niya. Couple ring yun.. At sinuot niya saakin yung isang singsing.
BINABASA MO ANG
DJ HISTORY
Short StoryIsa itong kwento na puno ng saya at lungkot. Isang kwento na nagpapakita kung ano ang nangyayari ngayon. Isang kwento na naging kasaysayan.