"Nothing is impossible!" kanta ni Dave, grabe ang ganda talaga ng boses niya. Gumagwapo siya sa paningin ko, medyo malakas din appeal niya. Nako naman.. Nandito ako sa battle of the bands sa school, susuportahan ko kasi mga kaklase kong sumali din, tulad ni Sophie. Vocalist kasi si Dave ng band na 'RELENTLESS'.
Ngayon naka uwi na ako. Grabe nakakapagod yun. Sigaw kami ng sigaw hahaha.. Ganun talaga. Tapos narin ako magdinner at nakahiga na ako ngayon, hawak ang cellphone ko. Ngayong alam ko na pangalan niya.. Sinearch ko siya sa FB. Ayuuuun nakita ko din.. Nagsend na din ako ng friend request hahaha.. Maya maya biglang may notification na sumulpot.
"Dave accepted your friend request"
Nagulat at natuwa ako syempre! Tapos dali dali akong nagmessenger, sinearch ko ulit pangalan niya and nagmessage na ako sa kanya.
Ako: Hi kuya!
Dave: Hello
Ako: Ang galing galing niyo po kanina...
Dave: Hindi naman, nagkaroon nga ng technical ee. Nandun ka pala? Wait. Kilala ba kita? Nakita na ba kita?
Ako: Opo nandun ako.. Hindi mo ata ako kilala at di mo ata ako nakikita.. Hahaha
Dave: Ah.
Ako: Gusto mo bukas ngitian kita?
Dave: hahaha sige. Good night na.
Ako: Sige po.
Dave: Wait number mo nga? Para naman mapahaba naman usapan natin hahaha
Ako: hahaha sige po. 09*********
Dave: Sige bye!At pagkatapos nun, nag off na ako at natulog na.
BINABASA MO ANG
DJ HISTORY
Short StoryIsa itong kwento na puno ng saya at lungkot. Isang kwento na nagpapakita kung ano ang nangyayari ngayon. Isang kwento na naging kasaysayan.