Chapter 4: Slow motion

3 0 0
                                    

Nagulat ako kasi tinawagan ako ni Dave. Sinagot ko yung tawag na yun at mas kinagulat ko yung narinig ko. Humahagulgol siya. Iyak siya ng iyak. Wala akong ibang marinig kundi ang iyak niya.

Ako: Bakit ka umiiyak?
Siya: Si *sniff* si Ariane kasi... *sniff*

At ayun kinuwento niya saakin yung nangyari pero medyo wala akong naintindihan dahil nga iyak siya ng iyak. Pati tuloy ako naluluha. Naluluha ako dahil ganun niya kamahal si ate Ariane para iyakan niya pa. Natutuwa ako kasi muli kong narinig yung boses niyang napakasarap sa pandinig ko. Wala akong nagawa kundi ang patahanin siya sa pag iyak.

Kinabukasan, nagkita kami ng umaga, magang maga yung mga mata niya.

"Bati na ba tayo?" tanong ko na medyo seryoso hahaha.. Gusto ko siyang pagtripan ee..
"Ay hindi pa ba? Sige bye" sabi niya naman at tumalikod na. Natawa ako.. Ang cute niya lang pag ganun. Nakuu natamaan na ata ako.
"Uy joke lang eto naman.. Okay ka na ba?" Ngiti kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Itinigil ko narin panliligaw ko kay Ariane. Gusto kasi kita ligawan, pwede ba?" sabi niya..
Tapos may bigla akong naisip na plano. Hahaha..
"Halika may sasabihin ako sayo" sabi ko sa kanya.. Nilapit niya naman yung tenga niya sa bibig ko..
"I love you" sabi ko sabay talikod at takbo papunta sa room. Haha haha..

Sa mga sumunod na araw, niligawan niya ako. Lagi niya akong hinahatid sa paradahan one time nga nagkaroon ako ng slow motion sa kanya..

Civilian day nuon. Naka skinny jeans ako, white shirt and red checkered polo with red shoes.. Pauwi na ako nun, kasama ko yung kapatid ko.. Papunta kami ngayon kila Dave. Ayan tanaw ko na sila, kasama niya kasi si kuya Dom.. habang palapit kami sa kanila, nakita na ako ni kuya Dom pero nakatutok parin si Dave sa phone niya. Nakita kong siniko ni kuya Dom si Dave kaya ayun napatingin siya saakin..

Para akong naging anghel sa mga tingin nila, gulat na gulat kasi sila. Parang biglang bumagal ang pag ikot ng mundo. Ang bagal din ng lakad ko. Habang titig na titig kami sa isat isa. Ang bagal din ng pagtayo niya. Slow motion nga diba? Hahaha.. Nang makarating kami duon sa kanila..

"Grabe ha! Nakatingin kayong dalawa sa kanya! Ang daya naman, saakin hindi kayo tumingin haha. Naka nganga pa kayo ha!" sabi bigla ng kapatid ko.

DJ HISTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon