Isang buwan na rin ang nakakalipas simula mangyari un. Medyo okay narin ako. Narealize ko rin na ang pag-ibig? Nandyan lang yan.. Mga pwedeng mahalin? Marami pa dyan at marami ding mas hihigit sa kanya.. At malay ko, tunay pa kung magmahal. Hahahaha.. Dahil dun, nameet ko si dude..
Si dude na laging nandyan sa tabi ko. Si dude na ayaw ng mga drama ko. Si dude na maganda :) hahaha.. Si dude na nagngangalang Dianne. Si dude na tinuturuan ko ng math :D"Tulala ka nanaman dyan!" sabi ng katabi kong si dude.
"Ee ano ba? Iniisip nga kita ee" sabi ko sa kanya na ikinamula niya hahaha..Teka lang! Hindi po ako tibo okay? Hahaha.. :) napakasaya lang ng buhay ko.. May mga REAL friends ako.. Siguro nga tama lang na iniwan ako nun :D kasi dahil din sa kanya, naging close kami ni Rens, na ngayon ay best friend ko na :)
Habang pinagmamasdan ko si dude na hanggang ngayon ay namumula, kinuha ko yung phone ko at nakita kong may nagtext..
From Bëëëst:
Good morning best :) Magiingat ka ah? Wag kang magpapabasa ah? Uwi agad mamaya :) tapos mag online ka na din :) hahaha para makausap naman kita hindi ka nmn kasi nagloload haha :) Sige.. Mag ingat ka talaga ok?Napangiti ako sa text ni Rens hahaha.. Nakuuu nakuuu. Ano nanaman ba tong nararamdaman ko? :3 Ayoko na huhuhuhu.. Baka mapasubo nanaman ako tapos masaktan rin lang sa dulo. Sayang pa man din, parang totoo siya magmahal.. Mag hintay nalang siya. Kaya niya naman yun. Hahaha :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Ang pagmamahal, ngayon ay masasabi ko ng may tamang panahon para duon. Kaya maghintay lang darating din yung nakatadhana sayo. Huwag madaliin, mamaya ay madulas at madapa ka pa, masasaktan ka lang. Dapat dahan dahanin lang dahil pupunta ka rin duon. Pero hindi naman ako perpekto para sabihin yang mga yan sa inyo. Binabahagi ko lang ang natutunan ko. Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
DJ HISTORY
Short StoryIsa itong kwento na puno ng saya at lungkot. Isang kwento na nagpapakita kung ano ang nangyayari ngayon. Isang kwento na naging kasaysayan.