VIII - Memories and Thoughts

7K 137 12
                                    

Justine

Tinutulungan kong magligpit ng damit si Sam. Wala naman kasi kaming katulong. Hands-on si Mama at Papa sa pagpapalaki sa amin ni Sam. Tinuruan nila kami kung paano mag ayos ditto sa bahay. Kung paano alagaan ang isa't isa. Kung paano alagaan ang sarili.

Pero ayokong alagaan ang sarili ko ngayon. Ang sakit. Sobra.

Kate. Mahal na mahal kita. Pero bakit hindi mo ako kayang ipagpalaban?

"Ate?" Biglang tawag sakin ni Sam.

"Oh?"

"Ate. Magpahinga ka nalang oh. Sige na, ako nang bahala dito." Sabi nya. Nakangiti sya pero kita ko yung worry sa mukha nya.

"Di na. Tulu---"

"Kaya ko na to Ate. Please magpahinga ka na." Sabi nya sabay hawak sa mukha ko. Pinunasan ng thumb nya yung pisngi ko. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako.

"Sam..."

"Sige na Ate. Pahinga ka na muna ha." She leaned and kissed me on my forehead. Wala na din akong magawa kaya bumalik na ko sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto, biglang bumalik lahat ng alala namin ni Kate. Napasandal ako nung maalala ko yung unang beses kaming nagkasama dito.

Flashback

Same school kami. Matanda ako sa kanya ng isang taon pero active kasi ako noon as alumni kaya lagi din akong nasa school kahit nakagraduate na ako.

Doon ko sya nakilala. Nasa student council ako nun, nakikipag-usap sa president kasi niyaya nya ko magchill nun nang pumasok sya sa room. Nagtama yung mata namin. Nagsmile sya sakin, and I smiled back. Nandoon sya kasi kaibigan sya nung president. May gimik sila kinagabihan nun. Wala pa silang mapupuntahan, kaya I suggested sa bar namin.

The entire night, magkatabi kami. Hindi ako uminom kasi nakamotor ako nung time na yun. Dun ko nalaman na bisexual sya. Naalala ko yung time na nakasandal na sya sakin kasi naparami na sya ng inom. Nung nakayayaan na ng uwi, nagpresenta ako na ihatid na sya, pero ang sabi nya,

"Pwede bang makitulog muna sa inyo? Delikado papunta samin e." I shrugged and agreed. Inangkas ko sya pero nasa harap sya. Marami na syang nainom kaya natakot akong mahulog sya sa motor kung sa likod sya pupwesto.

Nung makarating kami sa bahay namin, nakaabang si Sam sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, sinungitan agad ako ni Sam.

"Sino yan?" Tanong nya.

"Friend." Simpleng sagot ko. Tumango lang sya. As usual, hindi nya bet. Napailing na lang ako.

Hiniga ko si Kate nun sa kama ko. Maglalatag sana ako sa kama nung narinig ko sya.

"Tabi tayo, Just. Don't worry, di kita gagawan ng kung ano." Natatawang sabi nya. Natawa din ako. So tumabi ako sa kanya. We didn't do anything. Ni hindi kami nagcuddle. Simpleng tulog lang.

After that night, napapadalas yung pagbond namin. We exchanged numbers.

Hanggang sa point na I asked her kung pwede akong manligaw. Nagulat sya. Kasi akala nya straight ako. Pero pumayag sya. Di din nagtagal, naging kami.

Unti-unti akong napaupo habang nakasandal sa pintuan ko. Siya yung pinakaminahal ko sa lahat ng naging girlfriend ko. At ang sakit isipin na hindi nya kayang ipaglaban yung mahigit isang taon naming pagsasama.

Tumayo ako papunta sa drawer ko. Pulling one out, kinalkal ko yung drawer hanggang sa makita ko yung isang bagay na hinahanap ko. Maliit na box na nakasusi. Hindi ko pa rin to tinatapon, kahit alam kong masama to sakin. Binuksan ko and nandito pa rin to. I smiled bitterly. Ito yung una kong ginamit. Pero I failed nun. So I went for pills. It almost succeeded.

I took a deep breath and closed my eyes. Sinara ko yung lid ng box and returned it sa drawer. I went to my bed and cried myself to sleep.

----

"Just, mugto na naman mata mo ha. And sabi ni Sam you're barely leaving this room." Sabi ni Leigh. Si Leigh yung bestfriend ko. Mas matanda sya sakin. Malakas sya makaramdam, lalo na kapag... Naiisip ako. Pipigilan nya ko kung ano man yun. Pero minsan, hindi nya ako napipigilan. Because when I make up my mind, it cannot be stopped.

"Kate." Nandito kami sa kwarto. Nakahiga ako sa kama habang sya nakaupo sa lapag, nakasandal sa kama ko.

"Bes, please. You need to stop na. It'll destroy you. Again."

"I love her, Leigh! More than anything! Ipaglalaban ko sya!"

"Ikaw lalaban, sya ba, lalaban din?" Sabi nya. Para akong sinampal. Nanahimik na lang ako. Pumikit ako. Thinking about that little thing... na matagal ko nang hindi nahawakan uli. Napadilat ako nung naramdaman kong tumabi sakin si Leigh sabay yakap sakin.

"I almost lost you, Justine. Ayokong mawalan ng bestfriend." Napahigpit yung yakap nya. For a while, the thought left my mind. I hugged her back and looked at the ceiling.

"You don't have to worry about me, Leigh. I'll be fine." Humigpit yung yakap nya.

But I'm sorry, Leigh. I made up my mind.

A/N: Sorry po sa sobrang late na update :(

Thoughts po? Comments? Votes? Salamat!! Love you guys!! :)

May message sa update na to, kung makita nyo po, nice! Hehehe. Yun lang. Dejoke lang. May karugtong yun. It'll turn the story though. Enjoy!!

paramyh

My Sister's Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon