I - Ang Pagbabalik

16.6K 209 19
                                    

“Ate!!!!!!!!!!!!!!!” Sigaw ng magaling kong kapatid.

“Ano na namang problema? Aalis na ako!”

“Hatid mo muna ko sa school.”

“Ang laki mo na, ihahatid pa kita?”

“Ang dami kong dala oh.” Sabi niya habang nka-pout at may kasama pang puppy eyes. Alam niya talaga ang kahinaan ko.

“Ugh. Oo na, oo na.” Pagkasabi ko nun e biglang yakap siya at kiss sa pisngi.

“Tama na yang kasweetan niyong mag-ate. Malelate ka na Sam!” Sabi ni Papa.

“Eto na po, aalis na.” Sabi ko habang tinutulungan si Sam sa mga gamit niya.

“Kung hindi ko lang kayo mga anak, mapagakakamalan kong magsyota kayo.” Sabi niya habang tumatawa.

“PA!” Sabay naming sigaw. Tawa pa rin sya ng tawa. Napailing nalang  ako.

Ako nga pala si Justine Fajardo. Graduate ng Business Administration. 22 years old, manager/ supervisor ng bar/ café na pag-aari ni Papa.

Ah oo nga pala. Lesbian ako. Pero ok lang un sa parents ko. Si Sam naman e bisexual. 18 na siya at may boyfriend syang ubod ng yabang.

“Ate dali! Malelate na ko!!” Sigaw ulit niya.

“Teka lang! Itetext ko lang si Kate.”

“Mamaya na yang si Kate mo. Wala naming kwenta yan e.”

“Hoy baka gusto mong hindi kita ihatid?”

“Sorry na. Sige na, itext mo na yang mahal mong girlfriend.”

Kung gaano ako kakontra sa boyfriend niya, e gnun din sya makakontra sa mga nagging girlfriend ko. Ewan ko ba sa kaniya. Minsan ko lang naman syang kontrahin sa mga nakakarelasyon niya, pero sya, kontra sa lahat.

A: Hey babe. Sorry medyo malelate ako. Ihahatid ko muna si Sam.

 

Agad agad namang nagreply si Kate.

K: Ang laki laki na nga kapatid mo, ihahatid mo pa.

 

A: Marami kasi syang dala. I promis I’ll make it up to you tonight.

 

K: K.

 

Shit. Galit sakin si Kate. Badtrip ako pag yan ang reply nya ksi alam kong badtrip sya skn.

“Sam, dali. Badtrip na si Kate.” Sabi ko habang hila hila ko sya. Nung nakita kong sasagot sya.

“Wag ka nang magsalita. Kasalanan mo to.” Sabi ko. Nakayuko na lang sya.

Badtrip talaga. Nakakaguilty ung itsura ni Sam.

Pagdating sa school bumaba na agad siya ng motor. Pero pinigilan ko na muna sya.

“Sam, sorry. Di ko sinasadyang mataaasan ka ng boses.”

“Ok lang Ate. Sorry din inabala pa kita. Sige na, baka lalo pang magalit sayo si Kate.” Sabi niya. Niyakap ko na lang sya at hinalikan sa noo.

“Sunduin na kita mamaya?”

“Wag na Ate. Alam ko namang di ka makakauwi e.” Sabi niya habang nakangisi. At namula naman ako.

“SAMANTHA!!!!” Biglang may sumigaw. Napatalikod ako at shet. Huminto ang pag-ikot nga daigdig ko. May papalapit samin na isang magandang nilalang. Matangkad, sexy. At kahit near-sighted ako at walang suot na salamin, pansin ko ang mapungay na mata, matangos na ilong at matamis na ngiti. At habang papalapit pa sya, parang mas nagiging pamilyar ang mukha niya,

My Sister's Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon