Shane
Bakit ganun yung itsura nya? Bakit muka syang nasasaktan? Wala naman akong ginagawa?
Ang dami kong tanong sa sarili ko. Justine looked really pained bago sya umalis. Narinig kong pinaharurot nya yung motor nya, na dahilan para mag-alala ako. Gabi na e wala pa sya. Nag-aalala na talaga ako.
“Shane, si Ate?” Tanong ni Sam habang pababa ng hagdan.
“Umalis sya e. Di ko alam kung saan sya nagpunta. Kanina pa sya umalis e.”
“Nakamotor?”
“Oo. Parang ang bilis nga nung pagpapatakbo nya e.” Nanlaki yung mata nya.
“Anong ginawa mo, Shane?”
“Hala, wala akong ginagawa sa kanya. Binigyan ko lang sya ng ice pack kasi nasuntok sya tapos nagpunta na sya sa kwarto nya. Tapos nun, ayun, yun na.” Nanlaki lalo yung mata ni Sam. Umakyat sya tapos pagbaba nya nakapagpalit na sya ng damit.
“Lika Shane. Samahan mo ko.”
“Saan tayo pupunta?”
“Pupuntahan natin yung suicidal kong ate.” What?
“Ano?” Pero hila-hila nya na ako palabas. Sumakay kami ng taxi tapos tinuro nya sa driver yung daan. After thirty minutes, nakarating kami sa isang building. Bumaba na kami.
“Anong ginagawa natin dito?”
“Seventy five percent chance kasi na nandyan si Ate.”
“The twenty five percent?”
“Nasa bar sya.”
“Tinawag mo syang suicidal.” Sabi ko habang papasok kami sa elevator.
“Matagal na yun. Mga three years ago.”
“Bakit?”
“Break up.” Natahimik na lang ako.
So sa likod ng pagiging matapang nya pagdating sa kapatid nya, may weakness din pala sya. Pagdating namin sa penthouse, kinuha ni Sam ung susi at pumasok sa unit. Nandun namin naabutan si Justine. At sa itsura ng lagay nya, nadurog ang puso ko. Nakahubad, at maraming bote ng alak na nakakalat. And when I said nakahubad, as in totally naked. Naramdaman kong nag-init ang buong katawan ko and I felt wet on a certain place. Tinulungan ko si Sam na buhatin sya papuntang kama.
Nang maihiga namin sya, bigla syang nagsalita, na lalong dumurog sa puso ko.
“I love you, Kate.” Kinumutan namin sya. Tapos umupo na kami sa sofa.
“Mukang may nangyaring di maganda sa kanila ni Kate.”
“Muka nga.”
“Shane…”
“Hmm?”
“Help her, please.”
“W-what?” Bumuntong-hininga sya.
“Wag mo nang ikaila. You like her, right? Wag mo nang itanggi, matagal ko nang alam.” Natulala na lang ako.
“Matagal mo na pa lang alam. Di mo naman sinasabi.”
“Para na kaya kitang kapatid. Syempre kabisado kita. Kaya nga kinokontra ko sya sa mga nagiging girlfriend nya e.”
“Pero mahal nya talaga si Kate.”
“Kaya nga tulungan mo sya e.”
“Anong gagawin ko? Panakip butas?”
“Wala akong sinabi. Ayoko lang syang mawala uli.”
“Mawala?” Tinanong ko sya pero di na sya sumagot. Mga ilang minuto ang lumipas nung magring yung phone nya.
“Opo. Uuwi na ako.” Sabi nya sabay baba ng phone. Tumayo sya tapos ako din.
“Shane, dito ka lang.”
“What?!”
“Ayokong makita ni Papa yung lagay ni Ate. Look at her.” Nilingon ko si Justine, and she was crying. It broke my heart again.
“Promise me that you won’t leave her.”
“I…I promise.” Niyakap ako ni Sam. Naramdaman kong nabasa yung shirt ko. I pushed her a little to find her crying.
“Sam…”
“You don’t have to be her rebound Shane. Just help her cope. I can’t lose her again.”
“I promise, Sam.” Then after another hug, she left. Nilock ko yung pinto at umupo sa gilid ng kama. Tinignan ko si Justine. Nakakunot yung noo nya habang tumutulo yung luha nya. Ang sakit at hirap makitang nasasaktan sya. I stroked her hair then she stirred.
“Kate.”
Kate na naman.
Humiga ako sa tabi nya at niyakap sya.
“I’ll make you forget her, Justine. Just let me.” I kissed her on her lips and fell asleep.
-----
Justine
H A N G O V E R.
Ang sakit ng ulo ko. Sobra. Bakit ba kasi kapag may problema, alak agad ang takbuhan? Ayan. Sumobra.
Alak pa.
Kesa sleeping pills? Napailing ako. Naalala ko kung bakit ako uminom.
Kate.
How could she? Pagkatapos ng lahat ng ginawa at pinagdaanan namin, ganun ganun na lang? Napaiyak na naman ako. Napahikbi ako pero natigil nung naramdaman kong may yumakap sakin ng mahigpit. Pag lingon ko e may nakayakap sa akin. At parang nawala yung hangover ko nung makita ko kung sino.
“SHANE!” Sigaw ko. Nagising naman sya sabay bitaw sakin. Dun ko narealize na nakahubad ako. BInalot ko naman agad yung kumot ko sa katawan ko ng mahigpit.
“Anong ginawa mo sakin?!” Sigaw ko uli.
“Wala akong ginawa sa yo, Ate.” Sabi nya habang nakayuko. Nrealize kong nkadamit naman pala sya. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nakayuko pa rin sya.
“Pinagstay ako ni Sam dito e. Nag-aalala sya sayo.” Napakahinhin ng boses nya, parang humihingi sya ng sorry. “Sorry Ate huh? Umiiyak ka kasi kagabi e. Kaya niyakap kita, baka sakaling gumaan loob mo.” Naguilty naman ako. Lumapit ako at hinawakan sya sa baba tapos inangat ko yung mukha nya. I smiled at her.
“Thank you for staying, then.” Then I kissed her forehead. Tiningnan ko sya, at hindi matatago yung blush nya.
“A-ate. Magbihis ka na.” Sabi nya. Napatingin tuloy ako sa sarili ko at halos exposed yung katawan ko. Napangiti ako, naalala ko yung nangyari five years ago.
“Meron ka rin naman nito.” Tapos nagblush uli sya. Tumayo na sya tapos ako naman e nagpunta na ng CR para magbihis. Pagtingin ko sa salamin, mugtong-mugto yung mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako. Masakit talaga yung ginawa nya. Tears fell from my eyes as I remembered the way how she looked at me nung tinawag sya nung lalaki. Like she was guilty. I fell on the ground and hugged myself as I cried hard. Maya-maya pa, may kamay na humahawak sakin. Pagtalikod ko, nakaluhod si Shane habang nakatingin sakin na may worried expression. Di ko na namalayang nakapasok sya ng CR.
I crawled my way towards her and she hugged me. I feel so hurt and vulnerable. Nilagay nya yung ulo ko sa dibdib nya at rinig na rinig ko yung tibok ng puso nya. Somehow it calmed me.
“Iiyak mo lang, Ate. I know you’re hurt.” And I did. I cried so hard on her arms. Mahigpit yung yakap nya sakin. And I felt safe in her embrace. Hindi ko alam kung bakit, pero yun yung feeling ko. Unti-unting tumigil ko yun pag-iyak ko, hanggang sa paghikbi na lang. Then I felt her kiss my head.
“I’ll always be here, whenever you need me.” She whispered.
A/N: Update! haha. Comment po kayo please.. Thanks :)
paramyh \mm/
BINABASA MO ANG
My Sister's Bestfriend (ON HOLD)
Ficção GeralAng akala ni Justine ay hindi seryoso si Shane sa sinabi nito ilang taon na ang nakalipas. Pero sa muli nilang pagkikita, pinaalala ni Shane sa kanya ang nangyari noon at determinado siyang gawin iyon.