Justine
I smiled. Kasi hanggang ngayong pagkagising ko, para ko paring nararamdaman yung mga ginawa ni Shane sa 'kin kagabi. Umikot ako para yakapin sya.
Pero wala sya sa tabi ko.
Napabalikwas ako. Malamig na yung tabi ng kama ko, ibig sabihin matagal na syang wala sa kama. Kinuha ko yung phone ko para i-check kung nagmessage sya sa 'kin.
16 messages.
Napakunot ang noo ko. Bihira ako magkaroon ng ganon kadaming message, unless may emergency sa bahay.
Dali-dali kong inisa-isa. Majority ng messages ko galing kay Leigh. May tatlo na galing kay Kate.
At nag-iisang galing kay Shane. Agad kong binuksan. Hindi ko ineexpect yung message nya sa 'kin:
"Justine, mahal na mahal na mahal kita. Pero hindi ko kayang maging hadlang sa happiness mo. At alam kong hindi ako yung makakapagbigay non sa'yo. Last night was the best night of my life. I hope naparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Pero I doubt it eh, hindi ako ang laman ng puso mo. At hindi ko rin kaya na hindi ko makuha ng buo ang puso mo. I love you, Justine. Goodbye."
Tuluy-tuloy ang bagsak ng luha ko. Pilit kong inalala yung nangyari kagabi.
I love you, Kate.
Putangina.
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Kakaisip ko kung paano ko tatapusin yung pakikipagkita ko kay Kate, pangalan nya yung nasabi ko.
Maya-maya pa nag-ring yung phone ko. Sinagot ko nang di tinitingnan kung sino. I felt numb.
"Hello?" matamlay kong sagot.
"WHAT THE HELL, JUSTINE??? I TOLD YOU NOT TO HURT MY LITTLE SISTER!!!" Sigaw sa 'kin ni Leigh sa kabilang line.
"Leigh, I... I am so sorry—" Sabi ko habang pinipisil yung buto sa ilong ko habang nakapikit.
"Gago ka! Wag ka sa 'kin mag-sorry! Mahal na mahal ka ng kapatid, tapos tataranduhin mo lang dahil kay Kate?? Si Kate na hindi ka kayang ipaglaban sa pamilya nya?" Galit na galit si Leigh.
"Sabi nya hindi nya na susundin yung parents nya about arranged marriage."
"Tangina sige i-defend mo pa." Sabay hang-up.
Napakalaki kong tanga.
Agad akong nagbihis at dali-dali akong nag-motor papunta kila Shane.
Pero pagkababa ko ng motor at pagkatanggal ng helmet, isang malakas na sapak ang bumungad sa 'kin.
"Best friend kita, pero tangina ka." Sabi ni Leigh. Galit na galit sya, yung ugat nya sa may sintido, kitang kita ko na pumipintig.
"Leigh, let me talk to Shane." Pagmamakaawa ko. Nung narinig nya yung pangalan ni Shane, medyo kumalma sya. Pumikit sya at huminga ng malalim.
"Wala na sya dito. Pagkauwi nya kagabi, nagbook agad sya ng flight pabalik ng New Zealand. Nagkataon meron para ngayong araw. Wala na sya dito sa 'Pinas, Justine." May lungkot sa boses ni Leigh, at may tono rin ng paninisi sa 'kin.
"Leigh..."
"Umuwi ka na. Magkaiba ang relasyon natin bilang magbest friend sa naging relasyon nyo ni Shantal. Pero umuwi ka na... Wala na sya." Huling sabi nya sabay talikod sa 'kin. Naiwan akong nakaupo sa semento habang tinitingnan lumakad papalayo si Leigh.
Tumayo na ako at umuwi, habang patuloy na tumutulo ang luha ko. After that, I decided to go to a bar nearby. Kailangan kong malasing, at ayokong magmotor sa ganong estado.
I need alcohol in my system.
Syempre, hindi ako sa bar namin nagpunta. Makikita ko lang si Alex and sesermunan nya lang ako. No, I need to be alone. So nagpunta ako kung saan walking distance lang sa building namin.
Umupo ako sa pinakasulok at umorder. After non, naalala ko si Shane. Yung unang beses nya akong hinalikan at sinabi nyang papakasalan nya ako. Yung unang beses ko syang makita after ilang years. The way na inaakit nya ako kahit hindi ako interesado. Naalala ko rin na biglang nagbago yung treatment sya sa 'kin, na parang ate nya lang ako. Then the way na nasa tabi ko sya nung sobrang nawasak ako nang dahil kay Kate.
Si Kate.
Sya ang dahilan. Imbis na pangalan ni Shane ang banggitin ko, pangalan nya. Winasak ko yung taong bumuo sa 'kin gamit yung taong sumira sa 'kin.
Napakatanga ko, boi.
Oo, tanga ka talaga. Ginto na, naging bato pa.
Tangina mo, manahimik ka, Brain.
Ulol. May magiging parte ng utak mo na pagsisisihan bat ka bumalik sa ex mong bulok.
Hindi ko sya binalikan. Wala akong balak. Pero nung nakasama ko sya, bumalik yung memories namin. Yung pinagsamahan namin. Pero nang dahil don, nabalewala ko yung taong mahal ko.
Kasi nga tanga, bobo, at inutil ka.
Napa-iling na lang ako dahil nakikipag-away na naman ako sa sarili ko. Tinungga ko yung natitira kong alak sa bote at padabog na tumayo. Paglabas ko, may napansin akong pamilyar. Pamilyar yung kotse na yun. Kinabahan ako. Lumapit pa ako ng konti, at ayun, nakita ko sya. At tangina may kasama sya. Nagdilim ang paningin ko nung nakita ko silang naghalikan bigla. Pagkalapit ko sa kanila, isang malakas na suntok ang pinakawalan ko at lumapat sa mukha ng kasama nya. Nilingon ko sya, muntik ko na rin syang nasapak pero pinigilan ko ang sarili ko.
"IKAW! Nang dahil sa'yo, nang dahil sa'yo nawala yung taong mahal ko! Yung taong alam kong tunay na nagmamahal sa 'kin. Wag na wag ka nang magpapakita sa 'kin, Kate. Mahal pala ah. Sige, gawin mo kung anong gusto mong gawin, pero wag na wag mo na akong lalapitan kahit kailan." Akmang aalis na ako nang bigla nya akong hinigit.
"Justine, this is not what you think it is. I-Ikaw ang mahal ko." Sabi ni Kate. Nanginginig-nginig pa.
Napaka mo te.
Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa 'kin, halos matumba sya sa pwersa ko.
"Tigilan mo na, Kate. Bakit ka ba nakipagkita uli sa 'kin? Bakit ka nag-e-effort i-win back ako? Namiss mo ko? Namiss mo ako sa kama, ha? Tingin mo na kapag napaikot mo na naman ako, makikipag-sex na ko sa 'yo? Bakit, di ka nasasatisfy nyan? Wag ako, Kate. Oo, siguro nga namiss kita makasama, pero hindi ikaw yung namiss ko eh, yung memories natin. Yung memories na ginawa natin na sinira mo."
Lumingon na ako at tuluyan na ko umalis. Hindi ko na sila nilingon.
Wala akong regret sa mga sinabi ko kay Kate. Matagal ko na sanang gustong ihinto yung pakikipagkita ko sa kanya. Pero ang tanga tanga ko, kasi tinuloy ko nang tinuloy hanggang sa nawala sa 'kin yung taong mahal na mahal ko.
Shane, I'm so sorry. I love you.
Paulit-ulit kong binubulong yan hanggang sa makauwi ako.
I broke the heart of the love of my life, as well as mine.
![](https://img.wattpad.com/cover/18134163-288-k3734.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sister's Bestfriend (ON HOLD)
General FictionAng akala ni Justine ay hindi seryoso si Shane sa sinabi nito ilang taon na ang nakalipas. Pero sa muli nilang pagkikita, pinaalala ni Shane sa kanya ang nangyari noon at determinado siyang gawin iyon.