XI - Yes

6.1K 152 13
                                    

Shane

Movie watching. Tinatamad na naman yung professor namin na magturo.

"We're going to watch Troy today and Helen of Troy tomorrow. I hope you've read your copies of the written literature because we'll make some comparison with the three works."

Ilang beses ko na bang nabasa at napanood yan. Books, movies, and motorbikes ang buhay ko dati sa New Zealand.

Nung nagplay na yung movie, nawala na din ako sa mundong ibabaw. Bumalik ako sa panahong sobrang saya ko. Last week. Last weekend. Nagising ako na nakaunan sa balikat ni Justine habang nakayakap ako sa kanya. Nakayakap din sya sakin.

Naalala ko pa nung sinubukan kong umalis sa pwesto ko, pero humigpit yung yakap nya. Ramdam na ramdam ko yung hininga nya sa may tenga ko. Yung init ng katawan nya. Kung anu-anong bagay yung naiisip ko habang ganito kalapit yung distance namin. Noon gustung-gusto kong iniisip yung ganitong sitwasyon.

Ngayong ganito na nga yung nangyari, hindi naman ako mapakali.

Naalala ko pa biglang humigpit yung yakap nya, hinila nya ako papalapit pa lalo sa kanya. Tapos naramdaman kong huminga sya ng malalim na parang inaamoy ako. Nahihiya na ako na ewan sa ginagawa nya non.

Tapos naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sa may ulo. Doon ako unti-unting lumingon. Isang magandang ngiti yung bumungad sakin. Tapos yung sumunod na nangyari yung sobrang kinatuwa at kinagulat ko din.

"Hoy Shantal!" Biglang may umaalog sakin. Bumalik yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko kay Sam. Umirap to. Aba. May pagkamaldita talaga to. Tapos tumawa sya.

"Bes, tapos na klase. San ka naman ba kasi nakarating ha?" Sabi nito habang nakangisi. Tiningnan ko lang sya ng masama. Alam nya naman kasi kung bakit ako nagkakaganito.

"Shantal Regine Valenzuela Rodriguez. Wag mo na masyadong isipin yun. Mahal ka din naman nun." Sabi nito na dahilan para mamula ako.

Mahal? Mahal nya din ba talaga ako? O ginagawa nya lang yun kasi gusto nyang makamove-on kay Kate?

Rebound?

"Ay girl. Kita na lang tayo kila Ate Manang mamayang lunch. May nakalimutan pala ako." Sabi nya habang seryosong nagtetext.

"Ano naman yun?"

"Basta. Sige na. Bye! Enjoy!" Sabi nito habang nagbeso sakin sabay takbo.

Enjoy? Nag aadik ba ng best friend ko? Lunch kila Ate Manang, enjoy?

Napailing-iling na lang ako habang naglalakad palabas ng gate. Narinig ko yung mga kasabay ko na nagmamadaling naglalakad papuntang gate. Akala mo e aalis yung gate, nabunggo pa ko.

"Totoo? Maganda ba?"

"Oo pare, kaso may dalang bulaklak tapos mukang may inaabangan."

"Sayang sya, chix pare."

Tong mga lalaking to talaga.

Nung papalapit na ako sa gate, naririnig ko naman sa paligid yung mga babaeng kinikilig. May artist aba ngayon dito? Hindi mapakali mga tao. I just had to roll my eyes.

Pag labas ko ng gate, nandon sya. Nakatayo habang naka-lean sa motorbike nya at may hawak hawak na tatlong rose. Tatlo lang pero those colors.

Red, pink, and white.

Love, admiration, at yung huli, though mostly they say purity, it also means marriage.

Yung ngiti nya sobra laki. Hindi to yung ngiti na binibigay nya dati. Yung hindi umaabot sa mata.

Ito yung ngiti na binigay nya sakin matapos nya ako halikan last week.

That kiss. I blushed as I remembered.

Unti-unti syang naglalakad papalapit sakin habang nakatayo lang ako. Para bang nakamagnet ako sa semento habang tinitingnan ko sya lumapit sakin.

Nung nasa harap ko na sya, hindi ko na din mapigilang mapangiti.

"Hi." Sabi nya. "For you." Sabay abot ng flowers.

Matipid na hi at thank you na lang din nasagot ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Ang dami daming tao at parang buong school ata yung nakatingin samin. I never hid my sexuality pero too much attection to para sakin.

"Don't mind them ha. Kilala kasi ako ng iba dyan." Sabi nya. "Wag mo silang pansinin."

"Hindi lang ako sanay, ang dami kasi nila."

"You used to race, mas madami yun."

"Kung sa bagay." Tapos hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mga labi nya. Bumalik ako sa time na hinalikan nya ako.

12 seconds

"Shantal Regine Valenzuela Rodriguez, will you give me a chance to let me love you?"

Full name! Samantha!!!

Alam ko kung anong gusto kong isagot, pero parang walang lumalabas na boses sakin.

Napayakap na lang ako sa kanya habang humihinga ng malalim.

"Yes. You know my answer will always be yes."

Naramdaman ko yung pag ganti ng yakap sakin at paghalik sa ulo.

May chance akong masaktan kung talagang hindi pa sya nakakamove on, pero it's the risk I'm willing to take para kay Justine. I'd do anything for her.



A/N: Bellloooo. Sorry super slow updates ako. Werkwerkwerk kasi. Susubukan ko ulit mag upload next week!! 

Thank you sa suporta guuuuys!!

Lablab

paramyh xo

My Sister's Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon