VI - Surprise!

7.8K 164 11
                                    

Justine

One week akong hindi nagbukas ng FB. Ayokong makakita ng mga bagay na alam kong dudurog lang sa puso ko. I've been telling myself na I'm okay.

One week.

One week mula ng mahuli ko si Kate.

One week mula ng madurog ang puso ko.

And at the same time, mula ng maguluhan ito.

For a week, laging nasa bahay si Shane. She's not making any move or what, pero ever since that incidence sa condo unit, her looks melt me.

Yung mga tingin nya dati na malagkit, nag-iba. It was replaced by adoration. Ate na rin yung lagi nyang tawag sakin. Naging malambing sya sakin, pero not in a flirty way. And somehow, I liked it.

"Ate, saang lupalop ka na naman ng earth nakapunta?" Sabi ng magaling kong kapatid.

"Dyan lang sa tabi tabi."

"Ewan ko sa yo Ate. Kalimutan mo na kasi." Sabi nya habang nagkakalkal sa phone nya. Tiningnan ko lang sya ng masama habang nakangisi sya. Tapos dumating si Shane.

"Hi Sam, Ate." Bungad nya. May dalang mga pagkain.

"Uyyyy. Salamat. Sakto." Sabi ni Sam.

"Basta naman kasi pagkain Sam e." Sabi ko.

"Walang basagan ng trip Ate." Sabi nya habang inuupakan yung fries.

"Dahan-dahan mabulunan ka." Sabi ko. Tiningnan ko si Shane. Nahuli ko syang nakatitig sakin. Nung magtama yung mga mata namin, umiwas sya ng tingin tapos nagblush sya.

"Kain ka na din, Ate."

"Mamaya na, mahirap agawan yan." Sabi ko. Natawa naman sya. Yung tawa nya, shit. Ang sarap pakinggan.

"Di na rin ako magtatagal ha, may lakad pa ko e."

"Uy may date." Sabi ko.

"Hala Ate wala. Sasamahan ko lang ate ko."

"Hehe. Joke lang." Napakamot sya sa ulo nya.

"Wala naman po kasi talaga. Sige po, alis na ko."

"Bye best!" Sigaw ni Sam. Lumapit si Shane sa kanya sabay kiss sa pisngi. Tapos lumapit sya sakin.

"Bye Ate Just." Bago sya umalis, hinawakan ko sya sa braso. Then hinalikan ko sya sa noo.

"Ingat ka."

"O-Opo. S-Salamat Ate. Bye po." Sabi nya sabay alis.

"Uyyy si Ate. Sumisimple."

"Huuuy. Wag ka nga."

"Yeah right."

Maya-maya pa, naramdaman kong magvibrate yung phone ko. Si Alex.

"Oh pre, napatawag?"

"Dumating si Raleigh." Si Leigh, yung gf nya na nagmigrate sa New Zealand five years ago. Tropa talaga kaming tatlo. In the end, nagakainlove-an yung dalawa. Ayun, 6 years na sila.

"Oh kelan pa?"

"Kagabi lang. Tara chill tayo."

"Sure. Saan?"

"May iba pang lugar? 7PM pre."

"Sige I'll be there."

"Sige. Bye." Then I hang up.

Maya-maya nagring ulit. Unregistered number. Ang daming numbers. Mukang international call. Sinagot ko.

"Hello?"

My Sister's Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon