IX - Moving Forward

7K 148 24
                                    

Shane

Hindi naman ganon kadistant si Justine. Nakikita kong medyo masigla na sya. Pero pansin na hinidi sya masyadong nakakatulog kasi kitang kita yung eyebags nya. Kapag naman kinakamusta ko sya kay Sam, bumubuntong hininga lang sya tas ngingiti sabay sasabihing okay lang sya. Pero alam kong hindi. Hindi sya okay.

So I decided na puntahan sya sa kanila. Alam kong we're not that close, pero, nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Madalas pa rin naman akong magpunta sa kanila, just to make sure she's okay, pero we never talked that much. Konting usap lang and minsan napapatawa ko sya. I remember one time, nahuli ko syang nakatingin tapos namula sya bigla tapos tumayo sya para kumuha ng tubig namin.

I promised to marry her one day, and I intended to keep that promise.

Nang malapit na ako sa kanila, may nakita akong nakapark na puting kotse. Weird kasi alam kong lahat ng kotse nila ay itim. I should know, kinukwento lagi sakin ni Sam yung family nya.

I knocked on the door and bumungad sakin yung dad nya.

"Yes, miss?" Yung itsura nya e parang kinikilala ako.

"H-hi po. Nandyan po ba si Sam... and Justine?"

"Shane? Shantal Rodriguez?" Sabay ngiti sakin. Ahh. Naalala nya ako. "Halika, iha, pasok. Dalagang dalaga ka na. Malamang maraming lalaki ang nakapila sayo." Sabi nya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Ay. Salamat po Tito. Pero hindi po kasi lalaki gusto ko. Hehe."

"Hay nako. Pareho kayo ni Tine. Babae ang hanap. Yung bunso ko, di ko alam kung lalaki o babae ang gusto. Pero ayos lang naman yun sakin, mahalaga, masaya sila, yun naman ang importatne, hindi ba?" Sabi nya habang pinapaupo nya ako sa sofa. Nagpunta sya ng kusina tapos nag-abot sya sakin ng juice.

"Feel yourself at home, iha. Tatawagin ko lang si Sam. May bisita kasi si Justine ngayon." Nung pagkakasabi nya nun, biglang parang nalungkot yung mata nya pero nawala din agad.

Si Kate kaya?

"Sandali lang ha."

Maya-maya pa, tumatakbo pababa si Sam kasunod si Tito. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Alam ko kung bakit ka nandito, pero girl,, medyo wrong timing ka." Bulong nya sakin. Napakunot yung noo ko. Hinila nya ko papuntang kwarto nya.

"Kung may gagawin kayo, hinaan ha!" Sigaw ng papa nya. Woah.

"Ugh Pa! Di ako tumatalo ng bestfriend!" Sigaw nya pabalik. Nung nasa kwarto na kami, sinara nya agad yung pinto.

"You can't see her right now." Bungad nya sakin.

"Bakit? Dahil sa bisita nya? Si Kate ba?"

"No. She's worse than Kate. It was the first ex. The first love. The first girl na nanakit kay Ate. Si Valerie."

"The first?"

"Yes. And hanggang ngayon, nag-uusap pa din sila. But don't worry, I know wala silang gagawing kakaiba." Dugtong nya sa huli nung nakita nya yung expression ko.

"Pero.. Sabi mo, kanina pa sila don."

"No. I know her. Hindi nya binabalikan yung mga nang-iiwan sa kanya. Weird lang kasi hinayaan nyang kausapin sya nun ngayon."

"Sam. I know, this is so, so stupid. But.."

"But you're truly, madly, deeply in love with her?"

"Yes! And gagawin ko lahat para lang sa kanya."

"Anything?"

"Anything."

My Sister's Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon