Do I Exist In Him (One Shot Story)

97 5 7
                                    

Do I Exist in Him?

One fine day, I woke early in the morning to prepare for school. I won't introduce myself to everyone reading, it's just useless in a one shot story stay tuned maybe somebody spit out my name. Eh sa naramdaman kong nagdudugo ang ilong ko, kumuha na ako ng tissue at pinunsan ito agad.

TIP # 1

Huwag itingala ang ulo habang nagdududgo ang ilong dahil masama ito. Bakit kamo? Kasi tulad nga ng sabi ko masama ito.

TIP # 2

Wag kang magsasalita ng English, simulang simula English na agad ang kwento mo mamaya magwalk-out yung mga readers, SAYANG NAMAN!.

Matapos kumain naligo na agad ako at nagbihis ng school uniform at nagsimula ng maglakad papasok sa eskwelahan.

Groge pa ako mula sa pagnonosebleed ko kaninang umaga, pumasok ako sa eskwelahan ng salubungin ako ni Echa ng isang yakap

" Ahhhh~ Regina aminin mo gaano kainit ang tubig na pinaligo mo.? " kinapa niya gamit ang palad niya ang leeg at noo ko.

" ANG INIT MO!!! Bat ka pa pumasok.? " hinila niya ako at pinaupo.

" Ok lang ako, dahil lang toh sa nangyari kanina. " Hinawakan niya ang magkabilang kong pisngi pero tinanggal niya ito agad sa sobrang init ng buo kong katawan.

" Aminin mo may ginawa ba kayong milagro ni Yang Yoseob sa panaginip mo kagabi, teka wag mong sabihin na pati si Lee Hyunwoo may ginawa din sayong milagro?! " kinuha ko ang lahat ng lakas ko para mabatukan siya na nakapagpagulo naman ng hairstyle niya.

" Ikaw aminin mo pinainom ka ba ng droga nung baliw sa kanto niyo oh binuhat ka ni Jung Ilhoon para maging baliw ka nanaman. Pwede ba sis masama ang pakiramdam ko wag mo ako idamay sa kaharutan mo. Bahala ka susukahan kita diyan. " sinahod naman niya ang kamay niya, binuka ko naman ang bibig ko akmang susukahan ko siya kaso inalis na niya yung kamay niya.

Tsk! Wala pala toh eh duwag masukahan.

" Pregnancy test gusto mo.? " nanghihina ako pero binatukan ko ulit siya ngayon naman parang dumapi lang ang kamay ko sa ulo niya.

Huminga ako ng malalim at pinilit pading magsalita " Katol gusto mo? Kulang ka pa ata sa hithit eh"

Bago pa siya makapagsalita ulit ay napukaw na ng isang poging matangkad na nilalang na dumaan ang aking pag-iisip, dumadaan lang naman si Kuya Axel na isang 4th year student bale tatlong taon lang naman ang pagitan namin. Kung maitatanong niyo kasi bukod sa lokaret na ito sa tabi ko may mga kaibigan pa ako na may crush sa kanya, pero sa pagkaka-alam niyo din isa lang ang mapalad na makausap at maging ka-close sa kanya. Sino ba naman ang makakapalag sa gandang chix ng kaibigan. HAYYYYY~~~.

Ng makadaan na si kuya ay humarurot nanamang humirit si Echa. " Nako kung ako si Kuya Axel tunaw na ako isama mo yung tingin nila Liza, nako wait kailangan ko na bang ipadala ang freezer namin? " Buti naman at nagring na ang bell at di ko na hiniritan pabalik si Echa baka maubos na ng tuluyan ang energy ko may test pa naman kami.

Pagpasok namin sa room ay nakaayos na ang upuan namin one seat apart nanaman kami, ng makita naman ng buong klase kung makareact parang surprise test ang nangyayari. Bigla naman kumapit saakin si Echa at binulungan ako " Pag di ko alam, alam mo na ah. OH! Teka di ka na masyadong mainit. Ok ka na? " umupo nalang ako sa upuan at dinedma nalang ulit si Echa, hindi na daw ako masyadong mainit eh ang pakiramdam ko masama padin.

Di naman nagtagal ay natapos na ang test namin at ngayon ay lunch na, pinipilit naman akong isama nitong si Echa sa faculty dahil may ipapasa daw siya " Echa dito nalang muna kami. Hintayin ka nalang namin. " tulad nga ng sabi niya kanina na hindi na ako mainit ay inisip ko nalang din na ok na ako at baka siguro ume-extra lang tong nararamdaman ko, tinatamad lang talaga akong sumama.

Do I Exist In Him? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon