"CHAPTER 4: FIRST 11 WISHES" By AnimeArterial

142 2 3
  • Dedicated kay Phoebe Ocampo
                                    

--YUI'S POV--

"Ok class, here are the results of your first quiz in History that you have taken yesterday. Many have passed the test coz the axam was just very easy but still there were some that failed." eto na, pinamimigay na ang mga test papers namin at for sure isa ako sa mga pinapatamaan ni sir na di pumasa.

"And congratulations to Hikari Hanazono and Kei Takishima who both got the perfect score. Good jod. It's great na kasisimula palang ng klase eh nagpapakitang gilas na kayo hindi tulad ng iba dyan na nagsasawalang bahala lang at hindi man lang nagrereview para sa exam." argh.. kainis.. Pinapatamaan ba nya ko?

'Talaga bang sinasadya nyang sabihin yun?'

'At eto ka naman affected.' bigla namang nagsalita si Ryuu.

'Che! Wag ka ngang umepal dyan. Hmp.' Naku sa lahat naman ng oras na eepal sya ngayon pang inis ako. Yan tuloy nasungitan ko.

At isa isa ng pinamigay ang mga test papers. Malapit ng tawagin ang pangalan ko kaya kinakabahan nako.

"Ibuki Nakatsugawa.." tumayo na si Ibuki nang matawag ang pangalan nya at kinuha na ang test paper nya.

"Uy Ibuki nakailan ka sa exam?" pakiki usyoso ko pagkaupong pagkaupo nya.

"Ah naka 85 ako. Sayang nga eh 15 pa ang mali ko kahit nagreview ako." sabi nya na parang disapppointed pa sa score nya.

"Buti ka nga eh naka85 ka pa eh ako pakaya?"

"Sabagay nagpapasalamat na rin ako kasi nakapasa ako." sabi nya na nakasmile. Ako naman pinilit ngumiti. Actually, nadisappoint nga ako nang malaman ko na naka85 sya kasi umaasa ako na may kasama ako na babagsak kaso ako namang si tanga aasa na babagsak sya eh ang sipag kaya magreview nun. Oo na, alam ko na iniisip nyo, ako na ang selfish sige inaamin ko naman yun noh.. hehe.. peace..(^___^)V

Eto, tatawagin na ang panglan ko nyan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kung may miracle man pls sana magkaroon nga ngayon nun. Kahit 65 lang makuha ko kahit pasang awa lang.. Ayokong mapahiya eh lalo na at nandyan si Kyo..

"Yui Hinata.." Eto na ang moment of truth. Kinuha ko yung test paper ko pero hindi ko muna ito tiningnan. OA na kung OA pero talagang ayoko bumagsak dahil sigurado may mang-iinis sakin. Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko at tinignan ang score ko at....

SCORE: 45/100

AAARRRGGGHH >__

"Naku, naku, naku.." ayan na ang sinasabi ko. May mang-iinis na. At alam nyo ba kung ano ang mas nakakainis? Teacher ku pa ang mang-aasar sakin, oo tama nga ang nabasa nyo, si Kazuki-sensei nga. O di ba? Nakakainis talaga yun, na mismong ang teacher mo pa ang mamamahiya sayo. Tss. Kaasar!!  >__<

"Ms. Hinata, ito ang first test natin pagkatapos bagsak ka na agad ni hindi mo nga nakalahati ang exam.." eto na, sinisimulan na nya..

"For sure, tuwang tuwa ka dahil multiple choice ang test at nag-eanie-meanie nalang at nagkapag-asa ka na baka pumasa ka kung tama ang mga hinula mo.." pano nya nalaman yun? Manghuhula ba sya?

"I'm right, tama?" oo na, ikaw na ang palaging tama, pero pls naman itigil mo na ang pamamahiya sakin.

"Siguro hindi ka nanaman nakapagreview noh?" argh. >__

"P-pero sir.." ano ba dapat kong sabihin?

"Pero what? Sige, give me a good reason why hindi ka nakapagreview.."

"Ah eh.. Ano kasi eh.." ano bang idadahilan ko, eh hindi ko naman pwedeng sabihin na bigla nalang may nagpakita saking anghel at sinabing mamamatay nako kaya nakalimutan kong magreview..?

GOODBYE DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon