"CHAPTER 5: ADVICE" By AnimeArterial

95 1 1
  • Dedicated kay Renirose Razon
                                    

--YUI'S POV--

"Yui naaalala ko na ang babaeng yan. Sya yung kasama ni Kyo kahapon!" sabi ni Ryuu na naalala na rin ang babaeng yun.

"O-oo naaalala ko na rin. Pero paano nangyari to na magkasama sila ngayon ni Yuki na rival naman ni Kyo. H-hindi kaya...." sabi ko pero shinake ko yung ulo ko." Hindi baka namimisinterpret lang natin to. Oo tama nga ganun yun." sabi ko na naguguluhan parin.

"Oo baka nga. Makinig muna tayo bako tayo mag make out ng conclusions."

I nod then nakinig muna kami.

"O-oy! Bakit mo pa sya sinali ha?" tanong nung babae kay Yuki.

"Si Kyo ba? Eh diba kasama naman talaga sya sa mga yun?" si Kyo ba pinag-uusapan nila?

"Ano ka ba? Syempre kasama sya sa mga sikat dito pero huwag mo na syang isali pleeaassseee.."

"Okay, okay.. Sige na nga kahit na rival ko sya pero kung ikaw okay lang." ano ba pinag-uusapan nila wala akong maintindihan..

"Salamat naman.." then she smiled to him.

"Ang ganda talaga ng mga ngiti mo. Nakakainggit naman si Kyo at lagi nyang nasisilayan ang mga nakabibighani mong ngiti."

"Tumigil ka nga sa mga pambobola mo. Atsaka isa pa, huwag kana magselos sa kanya okay?"

"Eh paano ba naman hindi eh palagi mo syang kasama tapos tayo minsan na nga lang tayo nagkikita patago pa. sabihin mo, mahalaga talaga sya sayo noh?"

"Oo naman. Napakahalaga nya sakin. Pero syempre ikaw, mahal na mahal kita kaya wag kana magselos okay?" teka mahalaga sakanya si Kyo pero mahal nya si Yuki? Ano yun?

"Mahal na mahal din kita kaya huwag ka magsasawa sa atin ha?"

"Oo naman kahit ano ang mangyari tayo parin.." pagkatapos eh unti-unting naglapit ang mga mukha nila at naghalikan. Mukhang nagmamahalan talaga sila pero ang di ko maintindihan ay ang kay Kyo. Kung mahalaga talaga sakanya si Kyo eh bakit sya nakikipagrelasyon sa karibal nito?

Naghiwalay na sila mula sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Ah mukhang malapit ng magring ang bell kaya tara na."

"Oo nga baka malate pa tayo. Hindi yun maganda para sa Vice president."

"Oo pero, una nakong lalabas baka may makakita satin na magkasama pagkaguluhan pa tayo, okay?"

"Okay. Sige una kana."

"Sa susunod nalang, Tohru.." tapos tuluyan na syang umalis. Naghintay muna ng isang minuto yung babae na nagngangalan yata ng Tohru bago umalis.

So Tohru pala ha? Ngayong nalaman ko na ang pangalan nya, mag-iimbestiga ako tungkol sakanya.

Pero sa kahit anong anggulo mo to titingnan eh talagang niloloko nila si Kyo. Hindi ko to mapapayagan pero di ko alam ang dapat kong gawin.

"Hay ano ba ang dapat kong gawin para di masaktan si Kyo?"

"Siguro ang mas dapat mong gawin eh ang pumasok na sa classroom nyo bago pa magring ang bell malayo pa man din ang room nyo dito sa rooftop baka malate ka."

"Iiieee.. Ryuu naman eh nagtatanong ng matino ang tao tapos ganyan ang isasagot mo. Pero sige na nga mamaya nalang ako mag-iisip baka malate nga ako."

Tapos eh dumiretso nako papunta sa room namin. Pagkadating ko eh nagring na ang bell kaya nagsipasukan narin ang mga kaklase ko.

"Uy, Yui, saan ka naglunch kanina? Di kasi kita nakita sa cafeteria eh." bungad agad ni Ibuki nang makita nya ko.

"Ah, nandun ako sa rooftop kanina kasi gusto ko muna makalanghap ng sariwang hangin saka para naman makaalis muna ako sa ingay."

GOODBYE DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon