Lumipas ang tatlong araw naging normal naman ang aking pagpasok sa school pero di parin nawawala ang mga nagbubulungan lalo na ang mga babae . Hindi ko alam kung bakit . kung dahil ba ito kay clark na yon? Move-on din guys -__- .
Pero nasanay na rin ako sa mga iyon pati na rin sa mga mata na animoy ako'y kakainin ng buhay . Minsan nabubully ako ay lagi pala . leshe wala naman akong magawa dahil baka makita kami ng Teacher at isumbong ako sa principal mahirap na baka hindi na ko makapag-aral . kailangan malinis ang record ko.
Sa lalim ng aking iniisip di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng room namin .
Pumasok na ko at umupo sa upuan ko .
One
Two
Thre-
"Jamie! Bakit ba kayo magkasama ni clark!?"Tanong ng isa kong kaklase .
"Oo nga! " segunda naman nung isa
"Yeah im so curious talaga !"
"We want to know the truth na"
Ayan nanaman sila araw-araw ganyan pupuntahan nila ako sa aking sariling upuan para lang itanong kung ano daw meron samin ni clark e duh? Tinulungan lang ako nung tao no-__-
Sasagutin ko na sana sila kaso may biglang nagsalita sa unahan .
"NASA KABILANG ROOM SI CLARK ! KYAAAAAAH "
"KYAAAAAAAAAA " Tili ng mga babae . Napa-poker face na lang ako at tinakpan ang tenga ko . Dahil nakakairita kaya ang boses nila . conyo -______- .
"Kyyaaaaaah im gonna diee !" Sana nga leshee -___-
"Kyeeeeeee Kenekeleg eke emegesh" telege be ? Buset !
Napatigil ang lahat ng biglang pumasok si Maam Cruz .
Buti naman feeling ko sasabog na yung tutuli ko e hahaha.
"GoodMorning ! You should not shout to loud to inform you the faculty room is there!" Sabay turo sa faculty .
"Sorry maam "
"Sorry "
"I feel sorry too "
Aww they're sweet haha ewan na sweetan ako bigla haha.
"Okay palalampasin namin ito but this is the last understand? "
"YES MA'AM"---
The time so fast di ko alam na Lunch time na . Tumungo ako sa Canteen para puntahan si lyka .
Nang makarating ako sa Canteen ay pinagtinginan nanaman ako ng masama esp ng mga babae . I just shook my head mentally . Di ko sila pinansin saka pinagpatuloy ang paghahanap kay lyka . But no sign of her .
Nagulat ako ng biglang may tubig ay hindi juice na dahan dahang bumababa sa aking ulo at damit nakita kong bumakat ang aking bra dahil manipis lang ang aming uniform .
Napatingala ako kung sino ang may gawa nito . Natamaan ng mata ko ang isang babae na may hawak na empty glass na siguro don nakalagay ang juice .
Matangkad siya sakin kaya nakatingala ako ng konti para matignan ang kabuoan nya .
Maganda sya , maputi, sexy ,mayaman at maganda talaga sya . Nakakabighani ang kanyang kagandahan ngunit bakit nya iyon ginawa saakin? .
"Tapos ka na bang hangaan ako?"
Natigilan ako sa sinabi nya . Ang sama ng ugali nya .
"Subukan mo pang lumapit sa Bf ko at di lang yan ang aabutin mo ! Maliwanag?!" May pang babanta ang kanyang himig .
"Hindi ko nga kilala ang bf mo e"
Nanlaki ang mata nya sa narinig aba miski ako nanlaki rin ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na masasabi ko yon .
Lamunin mo ko lupa ngayon na pleasee .."Aba sumasagot ka?!" Nanlalaki ang butas ng kanyang ilong I mentally laugh .
"No Im just -just stating the truth "nagkanda mali mali na ata ang sinasabi ko sa kanya dahil sa kaba ewan nakakatakot sya e .
"Im watching you my dear . stay away from my bf clark "So si clark pala ang bf nya? As if naman may paki ako di ba wala ? Wala nga ba? Oo wala e bat parang may kumirot sa puso ko? Nababaliw na ata ako. Di ko na malayan na tumango na lang ako.
"Good . tabi !" Sabay bangga sa balikat ko .
Parang any time papatak na ang luha ko pero kailangan kong pigilan dahil ayoko makita nilang mahina ako . Lumakad lang ako ng lumakad para makapunta sa cr . Dahil feeling ko lalanggamin ako . At ang luha ko ay konti na lang ay papatak na. Saka ko na haharapin si lyka . Napapitlag ako ng may biglang may humawak sa kamay ko . Ang init ng kamay nya . Narinig ko ang mga tao sa loob ng canteen na nagbubulungan ngunit hindi ko maintindihan . Iniangat ko ang aking tingin sa taong humawak sa kamay ko . Halos magwala ang puso ko ng makita ang may hawak sa kamay ko .Si
Clark
Oo sya nga nang tignan ko ang kanyang mata wala akong nakitang emosyon doon .
Hinatak nya ako papalapit sa kanya . Hinubad nya ang kanyang jacket at ipinatong sakin
"Wear it and fix yourself kung ayaw mo mabastos " Cold nyang sabi .
Doon ko lang napagtanto na bakat nga pala . Namula agad ang aking mukha .
"Salamat" mahina kong sabi pero sapat lang para marinig nya .
Hinatak nya ko sa cr . tinulak akong bahagya papasok sa loob non .
"Take a bath here and wait me here . "
"Huh?Saan ka pupunta?"
"I'll get you some dress"
Yon ang sinabi nya at mabilis na tumalikod sakin .
Ginawa ko na lang ang sinabi nya . Hinintay ko sya dahil tapos na akong linisin ang aking sarili .
Lumipas ang isang oras ngunit wala parin sya .
Kinakabahan na ko dahil baka mamaya di na sya bumalik pero inisip ko na babalik sya .
--
Lumipas ang 2 oras wala parin sya kinuha ko ang uniform kong may juice pero patuyo na . iyon lang naman ang nabasa e .
Akmang isusuot ko na ang aking uniform ng biglang may kumatok .
"S-sino yan?" Kinakabahang tanong ko .
"It's me . Just open this fckng door"
Nawala ang kaba ko at parang nabunutan ako ng malaking tinik ng nandito na sya . Agad-agad kong binuksan ang pinto at sinalubong sya ."Akala ko hindi ka dadating "
"Im here now so shut up"
Kahit na ang sama sa tenga ang sinabi nya ay wala lang sakin .Hinatid nya ko sa bahay namin . Hindi ko sya pwedeng papasokin dahil una marumi ang bahay namin pangalawa baka kung anong isipin nila samin lalo na si mama dahil akala nila tomboy ako.
"Thankyou . "
"What's your name?"
"Jamie ness esguerra"
"I see . Clarkson Garcia is the name "
"I know . Famous ka e . " Malamlam nya lang akong tinignan "Osya salamat ulit . pasok na ko "
Tinignan nya lang ako at tumango .
Pagpasok ko sa bahay ay pinaulanan ako ng sermon ng aking papa dahil late na ko nakauwi . Nagsorry lang ako at tumuloy sa aking kwarto .---
Nagising ako ng dahil sa ingay sa baba . baka nag-aasaran nanaman sila . Tumayo ako at pumasok sa cr para mag-ayos may pasok pa ako e .
Pagbaba ko natigilan sila sa pag-iingay biglang tumahimik na para bang may dumaan na anghel well di ko sila masisisi maganda ako e hahaha djk-_-
"O bat natahimik kayo?"
"H-huh? Ah w-wala " nauutal na sabi ni ate halata namang sinungaling-__- .
"Ikaw anak ha , may bf kana pala di mo samin sinasabi !" Sabi ni mama .
"Oo nga di mo man lang kinuwento " dagdag ni papa .
Napakunot ang nuo ko dahil wala naman akong bf .
"Wala akong bf"
"Wala ? E sino to?" Sabay turo .
Nanlaki ang mata ko ng makita si Clark na nakaupo habang umiinom .
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
"Hoy anak ! Wag kang bastos !"
"Naku pagpasensyahan mo na yan iho nahihiya lamang yan . "
"Okay lang po" nanlaki ang mata ko una dahil ang galang nya pangalawa nagtagalog sya.
"Alis na po kami " sabi ko sabay higit sa kanya .Nasa loob parin kami ng kotse nya .
"Anong ginagawa mo samin?""Nothing"
"Nothing? Tamo napagkamalan ka pang bf ko "
"So?"
"Anong so? Patay ako sa girlfriend mo " kinakabahan na sabi ko sakanya. Pero sya wala lang .
"I don't have a girlfriend "
"E sino yung sa canteen? At pwede ba ? Magtagalog ka ! ."
Nababanas na ko nakakadugo ng utak e .
"Dunno . " walang gana nyang sabi . "Baba "
Bumaba agad ako . pinagtitinginan ulit kami . ikaw ba naman bumaba sa kotse ng hari nila e tss -___- .
Pumasok agad ako sa room namin . Masasama nanaman ang tingin nila pero wala akong paki tumuloy lang ako sa upuan ko . Nagsimula nanaman sila sa bulong-bulongan kuno -___- .Habang nagsusulat sa board ang aming guro biglang tumunog ang speaker . May nagsalita doon
"Attention for all students of this school my name is Kyle Gonzaga--aray naman tol !"
"Kyaaaaaaaaaaah ! "
"Aaaaacckk !"
Sino ba yon? .
"Ehem ! Ito na talaga may gusto kasing sabihin ang kaibigan ko para sa girlfriend nya ! Naks ang sweet ni Clark ito na si love--"
Sino kaya girlfriend ni Clark? Bat ang sakit ? Crush ko na ata sya .
"Ehem . Jamie Ness Esguerra you are my Girlfriend now ! Bawal sya lapitan esp ng lalaki . bawal syang saktan . ako ang makakalaban nyo ! "
Napatulala ako sa narinig ko . mali ba ako ng rinig ? Nag-assume ba ko? .Hanggang mag-uwian wala ako sa wisyo . Nagulat ako ng hatakin nanaman ako sino pa ba ? Edi si Clark . at nagpahatak naman ako
-------