AN/: Si Harold Smith po yung nasa taas :)..... Pasensya na po kung OA . Wala pa po kasi akong masyadong karanasan . Thankyouu :* flying kiss:* Sa votes and comments salamat kahit isa ka lang nagcomment hahaha .
Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto namin . Nabungaran ko agad ng tingin si Clark na seryosong nakatingin saakin . Binundol ng kaba ang puso ko ewan ko ba simula nung pinagtatanggol nya ako ganto na baka naman hinahangaan ko lang sya dahil pinagtatanggol nya nga ako pero naiinis parin ako sakanya dahil sya naman ang dahilan nito at ngayon pinalala nya lang .
Binuksan nya ang pinto at pumasok ng di man lang nag-abala na tignan ako . di ko na lang yon pinansin bahala sya wag nya akong pansin edi hindi ko rin sya papansinin ha! Akala nya ha! Mapride ako utot nya !Mabilis kaming nakarating sa school sa sobra nyang bilis magpatakbo akala ko katapusan ko na kanina. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla nya akong hapitin palapit sakanya nanlaki ang mata ko at halos di makagalaw .
"B-bakit?" Lakas loob kong tanong .
"Hmm . I just want to ask you " .
Bumitaw sya sa pagkakahawak nya ng aking bewang at tinignan ako sa mata .
"Ano yon?""Where did you go last time?"
"School at bahay lang ako"
Mabilis na sagot ko."Who's with you?"
"Uhm my friend.'
"Really? It's a girl or--not?"
"Not . why?"
he just shook his head na parang sinasabing"Nothing"
"Ahh! Alis na ko salamat sa pagsakay sakin " nakangiti kong turan at bumaba sa kanyang sasakyan .
Weird bakit nya kaya natanong?
Napalingon ulit ako sa kotse nya at saktong bumaba sya kaya nag-iwas ako ng tingin tumuloy na lang ako sa paglalakad .Nagulat ako ng paglabas ko ng classroom ay naabutan ko si Harold na nag-aabang sa pinto kaya pala tili ng tili at halos mangisay ang mga kaklase ko dahil sakanya . Lakas din pala ng isang to e .
"At last! Lumabas ka din "
Napalingon ako sa likoran ko dahil baka mamaya yung nasa likod ko pala yung kinakausap ni harold di naman ako bastos para humarang e . Naramdaman ko na may humawak sa ulo ko at dahan dahan akong hinarap sa kanya napalaki ang mata ko dahil doon .
"Ikaw ang kinakausap ko " nakangising sabi nya .
"H-huh? Bakit? May kasalanan ba ko? Teka mahal ko pa buhay ko . nagmamaka---" bigla nyang tinakpan ang bibig ko . well ang bango ng kamay nya ha.
"Sira! Libre kita !""We?"
"Oo nga . dali at may itatanong ako sayo "
"Sige ! Basta libre mo ha? "
"Oo "
Nagtungo kami sa canteen at dahil sikat itong kasama ko pinagtitinginan kami i mean sya pala . assuming ko naman .
Teka ano bang itatanong nito?"Hoy"
"Opo yon lang po salamat . " sabi nya kay aling linda "bakit?"
"Ano ba yung itatanong mo? "" Later miss " sabay kindat . kinuha nya na ang order namin at umupo kami sa may tatlong upuan . yon na lang kasi ang free e .
"So what now? ."Uhm hehe ang totoo wala talaga akong itatanong " sabay subo nya na nahihiya .
Wait?! Ano daw?!
"E bat mo ko sinabay?""Gusto ko lang makasabay ka . Sorry na " at ang bruho nagpout pa .
"Di mo ko madadaan dyan mister " maangas na sabi ko . napatigil sya sa pagsubo at tinignan ako .
"Ano pa bang gusto mo? Libre ko. " agad kuminang ang mata ko at mabilis nag-order . Napaiking na lang sya at ngumingiti .
Nagkwentuhan lang kami pero napatigil kami sa pag tawa ng may nagsalita sa unahan namin .
"Enjoying yourself ha?" Natahimik ang iba at tinitignan kami .
"Yow pare ! " sabi ni harold .
Tinanguan lang sya ni clark .
"Upo ka muna "
Umupo naman si clark sa tabi ko at tinignan ako bago ako inakbayan .
"Woah pare wag ganyan baka langgamin tayo" natatawang sabi ni harold samantalang itong katabi ko poker face pa din .
"Uhm osge halord una na ko i mean kami may gagawin pa ko e" Whooo .
"Ah sige . Next time ulit" tinanguan ko na lang sya at hinatak si clark paalis sa canteen.
Hindi naman sya umimik hanggang sa makarating na kami sa room ko . Pumasok na ako at sya nama ay sa room nila . nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga .-----