Tumigil kami sa likod ng school . Sa totoo lang ngayon pa lang ako nakapunta dito e . Di kasi ako gala -__- . Pero ang pinagtataka ko kanina pa kami dito wala man lang nagsasalita hello? Alangan namang ako magsimula ? Sya kaya nanghatak bigla .
Nilibot ko na lang ang likod ng school sumusunod naman sya sakin e kaya walang problema . Ang ganda dito may malalaking puno na sobrang lago . May nakita akong puno na parang may naka-ukit na kung ano . nilapitan ko yon.
'Mahal kita' 'ikaw lang jade' 'sana bumalik kana' 'forever ko<3' .
Yan ang mga nabasa ko hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot habang binabasa ko yon . siguro nagkawalay sila nung jade at dito sila laging nagkikita.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko at nakita ko na parang bagong ukit pa lamang ang huling ukit.
'Bumalik ka nga pero bat ang sakit? Kasi may kasama ka ng iba' Lalo akong nasaktan sa huling sulat parang naiimagine ko sila at nasasaktan ako para sa kanila ewan ko nga kung bakit e . "Hey are you okay? "Nagulat ako ng bigla nya akong iharap sa kanya bigla . Napa-huh naman ako
"Stupid bat ka umiiyak?" Agad akong napahawak sa mukha ko at napagtanto ko na lumuluha na pala ako . ang oa ko naman .
"Wala lang to . napuwing lang hahahaha " fake na tawa ko
"Are you sure?"
"Uhm yeah . So bat mo ko hinila?" Pag babago ko ng topic aba mahirap na masabihan pa akong OA -__- .
"I just want to say that you are my girlfriend now"
"AH! Oo nga pala . Bat mo sinabi yan kanina? Alam mo bang maraming naniniwala ?!"
"Yeah . I know . but this is for your safety "
"Paano?"
"Napansin ko na dahil sakin may nangbubully sayo . not physically but i know its emotionally "
"But di ba parang pinalala mo lang? Lalo akong pagkakaisahan nyan para makipagbreak ako sayo"
"Hindi . Ako ang makakalaban nila " Napailing na lang ako sa iniisip nitong lalaking to ewan ko ba pero parang may ano sa puso ko hays sana wala lang to .--
Gumising ako ng maaga dahil may usapan kami ni Clark na sabay na kaming papasok . at oo nga pala alam na nila mama na kaibigan ko sya . di namin sinabi yung usapan namin . Baka magpaparty bigla sila hays -__-.
Binubugaw na nga ata ako ng mama ko kay clark .
Nag-ayos na ko at inayos ko na lahat ng gagamitin ko ngayong araw .
Pagkatapos kong ayusin lahat ng pwede kong ayusin nagpaalam na ko . Pagkalabas ko ng bahay namin nakita ko si clark na nakatayo sa kotse nya habang may kausap sa cellphone kaya siguro hindi nya ko napansin . Ang cool lang ng lalaking to.
Nagulat ako ng taasan nya ko ng isang kilay aba ang galing ako nga di ko magawa yon e .
"Hop in " Sabi nya sabay pasok sa sasakyan . Akala ko pa naman kagaya sya ng napapanuod at nababasa ko na pagbubuksan ng pinto ang girlfriend nya hindi pala . Oo nga pala hindi nga pala kami , oo kami pero sa mata lang ng iba . Teka ? Bakit apektado ako? Hays nababaliw na ata ako. Napatalon ako sa gulat ng bigla syang bumusina .
"Tatayo ka lang ba dyan?"
Napapasok agad ako sa kotse nya takot ko lang maiwan . makakatipid din ako salamat sakanya.Walang 15 mins. Nakadating kami sa school . Inaasahan ko na ang pagtingin ng masama sakin ng mga estudyanteng madadaanan nila pero nagkamali ako imbis na masamang tingin ang binibigay nila sakin e naka-ngiti sila . pero alam ko namang fake . kasi pag nakatingin si clark sa cellphone nya bigla nila akong titignan ng masama . what the fake . Leshe panira ng araw .
"Are you okay?""Huh?Oo naman. "
"Sure? "
"Yup , why?"
"Nakakunot kasi noo mo "
"Wala may naalala lang"
Hindi na lang nya ko pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad hinatid nya lang ako 'kunyare' sa may room ko pero ang totoo dadaanan nya naman kasi talaga room namin . Nag'ayiiee ' pa ang iba at kung ano-anong komento sa buhay-__- . maya-maya lang dumating na ang adviser namin--
Recess na pero tamad na tamad ako lumabas ng room . Ewan ko ba nasakit kasi ulo ko . Tumingin ako sa mga kaklase ko kung sino pwede utusan . Nakita ko agad si Marc agad ko naman syang tinawag
"Bili mo ko!""Wala akong pera !"
"Gaga may pera ako . Bili mo ko"
"Amina "
Binigay ko naman agad sakanya yung pera at sinabi ang gusto kong kainin . Buti na lang talaga at andyan si Marc isa sa kaibigan ko kahit di halata fame kasi .
Habang nag-iintay ako nagbasa ako ng message ko . Puro gm lang kaya nakakatamad magbasa . binasa ko naman lahat ng nakita kong nagpm si lyka .
'Baeeeee'
'Jamiieeeeee'
Hindi ko naman sya mareplyan kasi wala akong load . hirap maging mahirap . Pero namimiss ko na yung bruhang yon .
"Ito na !"
Agad akong napalingon kay marc na humahangos .
"Oh anong nangyari sayo?""Wala ."
"Sige . Salamat "
-----
Nag-aantay ako kay clark sa labas ng school ng biglang may humablot ng braso ko .
"Hey btch" yung babae pala sa may canteen remember the girl na nagbuhos ng juice sakin? . Ako tandang tanda ko . tinignan ko na lang sya ng bored look .
"Malandi ka talaga e no?"
Ha! Lakas nya rin e no . Baka sya ulit di ko parin sya pinansin . bat kasi ang tagal ni clark .
"Kinakausap kita!" Wala akong naririnig kayo ba meron? .
"Di ka ba tinuruan ng parents mo na tumingin ka sa kausap mo?"
Taas kilay na tanong nya. Napantig ata tenga ko sa narinig ko . Aba wag na wag nya idamay magulang ko dito .
"Are you done? FYI Tinuruan nila ako . Pero kung kagaya mo lang din naman kakausapin ko di na ko titingin kasi alam mo kung bakit? First makikita ko yang pangit mong mukha . second nakakasuka ka kaya ,third ang baho ng hininga mo at huli nasabi ko na ba na ang pangit mo?" Ha ! Take that . Nakita kong umuusok ang kanyang ilong at pulang pula sa galit good thing nakita ko agad si clark kaya napatakbo ako sakanya bago pa ko masabunutan nung pangit na babae . Sorry kung nilait ko sya . Pero ang totoo nyan maganda sya pero yung ugali? Wag na .
"Hooo tara na !" . Sabay hila ko sakanya papunta sa kotse nya .
Ngiting ngiti ako habang nilalakbay namin ang daan pauwi .
"You look stupd" nawala ang ngiti ko at napatingin sa siraulong nagsabi sakin non.
"Wmp"
"Huh?"
"Itanong mo kay pareng google"
Walang kwenta kong sagot . pero maya maya lang nakita ko syang nagpipindot sa cellphone nya . anong ginagawa non? Don't tell me---
"No meaning found "
Nalanganga ako pero napalitan agad ng tawa
"Pftt. Hahahahahahahaha" napahawak ako sa tyan ko sa kakatawa .
"Ehem . Omg did you google it? "
Natatawang tanong ko .
"Yes" bakas sa tono nya ang pagkainis .
"Pfft . joke lang naman yon. "
"Its not funny!. Tinatanong kita ng maayos " inis na sabi nya . napalunok ako at napaayos ng upo .
"Walang may paki . "
"What!?"
"Yon po yung ibigsabihin ng WMP" .
Di nya ko pinansin wala namang bago don .Kinabukasan Hindi nya ko sinundo dahil may gagawin daw sya di na ko nagtanong kung ano mamaya sabihin nya tsismosa ako .
Pagkadating ko sa school pinaulanan ako ng masasamang tingin ano nanaman ba ginawa ko? . siguro dahil sa kahapon
"Hoy!"
"Ay kalabaw ka"napahawak ako sa dibdib ko .
"Sa gwapo kong to kalabaw ako?"
Gwapo nga sya peroay pagkamahangin ang isang to . teka sino ba to?
"Sino ako?"
Teka mind reader ba to?
"Hindi ako mind reader sinabi mo kasi yon ng malakas "
Ay kala ko pa naman .
"Mababangga mo kasi ako kaya tinawag kita" ."Ay sorry "
"Its okay . by the way im harold ikaw ? "
"Jamie na lang " nakipagkamay ako sakanya . Nalaman ko na bago pa lang sya dito . Pero kagaya ni Clark malakas din ang tama ng mga babae sakanya .
'Bat kasama nya yang babaeng yan?'
'Don't tell me break na sila ni fafa Clark?'
'Tapos nilalandi nya agad si harold?'
Ilan lang yan sa maririnig ko.
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at pinisil iyon.
"Hu'wag mo silang pansinin" sabay gulo sa buhok ko . napatingin ako sa kanya at napangiti . He's nice pala .Sabay kaming umuwi dahil wala daw syang kasabay . Si lyka naman ayon kasama si Can ewan ko ba don sa dalawa .
Nagkwentuhan lang kami about random stuff . Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin .
"So? Nice to meet you again . ? See you tom. Bye! "
"Okay then see yah tom."-------