Simula ng aminin ko sa sarili ko na gusto ko na siya . Pinipilit ko na hindi kami magkaroon ng masyadong oras na dalawa mahirap na baka lumala pa .
Nung nasa resto kami napag-usapan lang namin na dapat wala kaming ibang kasama.
Bawal syang makisama sa babae at ako naman sa lalaki .
Kung tatanunin nyo kung sino nag-utos nyan ? Malamang sya.
Tinanong ko kung bakit ang tanging sagot nya lang ay kibit-balikat .Minsan naiisip ko nagseselos yon kay harold e . pero ang assuming ko lang ata hahaha.
"Babae!"
"O?"
"Kanina ka pa tulala dyan"
Hindi ko alam na napatulala na pala ako . Nandito kami ni lyka sa library dahil magrereview ang bruha . Di kasi pumasok at nagkataon na ngayon ay may Quiz ang bumagsak daw may parusa . Takot lang ng babaeng yan hahaha .
"Sorry ,may naisip lang"
Napakunot agad ang noo nya .
"Ano naman yon?""Wala" mahinang sabi ko .
"Teka nga pala ! May hindi ka sinasabi sakin!"
"Ano yon?"
"About Boyfriend! Gaga ka kayo na pala ni Clark!"
Di ko pa nga pala nasasabi sakanya na kami I mean Kunyari. Paniguradong magtatampo to
"Busy ka kasi . Tsaka di ka napasok" pagdadahilan ko.
"Para san ang cellphone?""Wala akong load "
"Kpayn! Kwento"
"Ganto kasi yon naalala mo nung hinihintay kita sa Canteen?"
"Ay! Oo nga pala ! Sorry babae ha? Hindi kasi ako nakapunta agad. Tapos? "
"Okay lang yon . Tapos habang hinihintay kita biglang may chacka este babaeng maganda na nagngangalang Alexa na nagbuhos sakin ng juice tap---"
"Wait yung Alexa ba yung matangkad na model? Maarte yon! Tss !"
"Tss oo yon. Pero teka nga patapusin mo ko !"
"Sorna ! Go"
"Edi ayon bigla akong hinila ni clark at dinala sa Cr binigyan nya ako ng damit tapos hinatid nya ko pati pumunta sya sa bahay tapos bigla nyang sinabi na Kami na tapos na "
"Wait ! Omg! Ang haba ng hair mo!!" Kinikilig na sabi nya .
Hindi pa nakuntento tumayo pa at tumalon talon habang nagtitili,hindi man lang naisip na nasa--
"SHHH! BOTH OF YOU GET OUT!"
Nasa library kami edi ayan na nga pinalabas kami.
Hiyang hiya naman kaming lumabas ... Pagkalabas namin nagkatinginan kami at sabay tumawa .
"HAHAHAHAHAHAHA"
"Ikaw kasi tili pa!""Aba sa kinikilig ako e"
Tss napailing na lang ako habang tumatawa .
Hindi rin nagtagal at naghiwalay kaming dalawa may gagawin pa daw sya .
Habang naglalakad naisip ko nanaman si Son .
Kahit na iwasan ko syang isipin..mahirap pigilan lalo na pag mag-isa na lang ako . hindi ko mapigilan na maisip sya ...
Mas lumala ata nung tinanggap ko na gusto ko sya .
Sabi nila Pag daw pinigilan lalo daw lalala pero bakit sakin?.. Tinaggap ko na lumalala parin ata ....
"Haaay" Malalim na buntong hininga ko . "Nababaliw na ata ako" pailing - iling na sabi ko.Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng room ni Son.. Anong ginagawa ko dito? Bakit dito ako napunta? Ganun ba ako kalutang at hindi ko alam kung san san na ko napupunta ?.
Nginitian ko na lang ng alanganin ang mga nakikita kong napapatingin sakin ...
Ano nanamang katangahan to ?
"Ehem" napatingin ako sa nagkunwaring umubo..
Biglang bumulis ang puso ko at hindi ko alam ang sasabihin ko . nangangapal bigla ang mukha ko.. Paniguradong namumula ako . Agad akong nag-iba ng tingin ..mahirap na mahalata nya pa ..
"What are you doing here?"Parang napalunok ... parang pati dila ko nalunok ko, sa sobrang lapit nya amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga.
"U-hm n-napadaan lang hehe""Really?"
"Y-yes"
"Okay! C'mon !" Huh? Ano daw?
"H-huh?"
"Tss ." Sabay nyang hinatak ang kamay ko . Pansin ko hilig ng lalaki manghatak ng manghatak nakakabwiset kaya! .
-----