II. II. BADBOY AND SUPERGIRL

281K 3K 53
                                    

I.                    BADBOY AND SUPERGIRL

Nagulat ang lahat sa ginawa ko kay Mark. Napatayo ito bigla mula sa pagkakahiga sa sahig ang pinagpag ang pang upo at binigyan ako ng matatalim na tingin. halatang galit ito dahil sa ginawa ko at siguradong natapakan ko ang ego niya. Gusto kong tumawa ngayon priceless ang reaction nito, pinaghalong gulat at galit, isama mo pa ang pagkakapahiya nito. Gwapo sana ang yabang naman!

"Whoah! You kicked me?!"- May halong pagtitimping sigaw nito sa akin, kulang nalang suntukin ako nito, mahigpit na nakakuyom ang mga palad nito na tila pag hindi nakapagpigil ay lumipad ang kamao nito sa akin. Nakaramdam din ako ng takot pero hindi ko ito ipinahalata sa kanya.

"Yeah. kulang pa ba? Yan bagay sa mga bully at saksakan ng yabang na katulad mo!" napatingin ako sa paligid namin. Talagang nakuha namin ang atensyon ng lahat, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kanina sa sobrang inis at galit na naramdaman ko kaya aya nakatikim siya ng sipa mula sa akin. Para saan pa ang pag aaral ko ng martial arts kung hindi ko din lang naman gagamitin lalo sa taong kagaya nito. 

"Alam mo bang wala pang gumagawa sa akin nito."galit na sabi nito, malamang wala pang gumawa sa kanya eh siya yata ang hari dito at pag aari nila itong school, nag uumapaw nga ang kayabangan nito eh. Kaya tama lang sa kanya ang ginawa ko para malaman nito na hindi lahat takot sa kanya. Hindi ako pinalaki ng ama ko para lang ibully!

"Kaya ayan ginawa ko na. Sa susunod wag basta basta magyayabang dahil hindi naman lahat kilala mo. Wala akong pakialam kong sino at ano ka dito, dahil hindi mo rin kilala kung sino ako. That serves you right. " nginitian ko sya. Naramdaman kong hinihila ako palabas ni Anne, ngunit nagmatigas ako. Ito nanaman itong si Anne akala mo sinisilihan ang pwet sa takot kay Mark.

"Bakit ba ang tapang tapang mo huh?! Kilala mo ba kung sino ako?" naninindak na sabi nito lumapit pa ito sa akin. Chillax Faye, wag ka magpasindak sa taong yan, sabi ko sa sarili ko.

"Bakit kailangan ba kitang kilalanin?! Hoy unggoy na ubod ng yabang, na sobrang kayabangan napunta na yata lahat ng hangin sa utak, gaya ng sabi ko wala akong pakialam kong sino at ano ka dito and one more thing hindi mo ako matatakot!" matapang na sagot ko sa kanya.

"Aba! Unggoy pa ako ngayon! Baka ang sabihin mo gwapo ako, nagagwapuhan ka sa akin ayaw mo lang aminin. "hindi ito makapaniwala na tinawag ko siyang unggoy, kahit naiinis ako sa kanya hindi ko maiwasang matuwa, ang cute cute niyang magulat.

"Baliw! Spell NGANGA!" sabay talikod sa kanya ngunit nakangiti na ako, sumunod naman sa akin si Anne na parang nabunutan ng tinik sa dibdib ng ako na mismo ang umalis doon upang iwasan si Mark.

"Pangit! Hindi pa tayo tapos!"sigaw ni Mark, talagang gumanti sa akin at tinawag akong pangit, childish pa ito, well siguro pareho kami pero mas childish siya.

Pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko estudyante. First time kong ginawa sa tanang buhay ko. Badtrip kasi napakawalang modo kasi ng lalaking yun. gwapo nga sana saksakan naman ng yabang! Hindi na ako magtataka kong mababalita ito sa buong campus at ipatawag ako sa guidance, anak lang naman dawn g may ari ang sinipa ko kanina, but no regrets.

Mark's POV:

Grabe kalahi ata ni Gabriella Silang ang babaeng yun. Akalain ko ba namang marunong sa martial arts yun ang balak ko lang naman talaga asarin siya gaya ng mga ginagawa ko sa ibang estudyante dito, sa tagal ko na dito ngayon lang may nag lakas loob na lumaban sa akin and the worst thing, she called mu unggoy! Kakaiba talaga ang babaeng yun.

"Wow pare nasipa ka ni tisay." Tumatawang sabi sa akin ni Ben isa sa matalik kung kaibigan, alam ko namang lahat sila nagulat sa nangyari katulad ko.

"First time yun men. Balita ko transferee daw yun from Manila. Faye daw name ni ganda men." Dagdag pa ni Andrew isa din sa matalik kong kaibigan.

"Management din course pare, 2nd year daw. lower year pala natin Mark. Takte Mark, trending agad sya dito sa campus pare. Dami agad admirer." si Ben ulit, sa totoo lang hindi naman na nila kailangan sabihin sa akin ang mga impornasyon na iyon dahil alam ko na ang lahat ng iyon. Janine Faye Gonzales, welcome to my world.

"Ganoon ba? Wag kayong mag alala makakaganti din ako sa kanya, may plano ako." napatingin sa akin ang dalawa na nagtatanong ang mga mata. Hindi nalang ako nagsasalita pero naglalaro na sa isipan ko ang mga bagay na pinaplano ko, at sisiguraduhin kong wala siyang kawala! 

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon