LIII. TIME

128K 1.5K 186
                                    

LIII. TIME

Forty eight hours? Is he kidding me? Paghindi nagising within that given time wala na? Damn! Hell no! Hindi ako papaya na mawla ang asawa ko. Marahan kong ginagap ang isang kamay ni Janine na wala pa ring malay. Dinala ko iyon sa labi ko at marahan na hinalikan kasabay niyon ang pagtulo ng luha ko.

"Babe please wake up. Don't leave me, hindi ko kaya please babe. I love you so much, I need you babe our children needs you. Wake up babe. Mahal na mahal kita Janine ko. Lumaban ka para sa pamilya natin."twenty four hours na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising at ayaw ko mawalan ng pag asa alam ko magigising siya para sa amin.

"Mark, anak you should go home. Magpahinga ka naman."hindi ko namalayang pumasok na pala sa kwarto si mommy. Nakikita ko ang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Ma, hihintayin ko pong magising si Janine, gusto ko ako ang una niyang makita pag gising niya."umaasa ako na any moment from now ay gigising na si Janine.

"Hijo, umuwi ka muna magbihis ka at matulog, ako na muna magbabantay sa asawa mo. Silipin mo na rin muna ang mga anak mo lalo na si David, the doctor said he is suffering from trauma dahil sa harapan niya mismo binaril si Faye. Si Janelle naman laging umiiyak."may pinong kirot akong naramdaman sa dibdb ko ng marinig iyon, pati mga anak ko nahihirapan na din dahil sa mga taong makikitid ang utak. They deserve their death.

"I'll go home Ma, pag nagising na si Janine. Kayo na po muna bahala sa mga bata. Alam ko pong naiintindihan nyo ako, ayaw ko din na makita ako ng mga anak ko lalo na ni David at this state."umupo si Mommy sa tabi ko at ginulo nito ang buhok na parang isang bata.

"I'm so proud of you son, mahal na mahal mo ang pamilya mo. Be strong for Janine and be strong for your children. I know malalagpasan din ninyo ito, nasta magtiwala ka lang sa Kanya." She gave me a warm smile.

"Thanks ma, hinding hindi po ako bibitaw. Alam ko po magigising siya at magkakasama pa kami ng matagal."nabuhayan ako ng loob ng maramdaman kong gumalaw ang isang daliri ni Janine dahil hawak hawak ko pa rin ang isang kamay niya.

"Babe are you awake? Please open your eyes."masuyo kong hinawakan ang mukha niya, halos mapasigaw ako sa sobrang saya ng magmulat ito ng mata.

"Ma, gising na si Janine please call the doctor."agad namang lumabas si Mommy para tawagin ang doctor ni Janine.

"Mark."paos na sabi nito, napaiyak ako sa sobrang saya. I kissed her temple.

"Babe, I'm glad you're awake."sobrang saya ko at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ngayon.

"Nasaan si David?"pagkuway tanong nito sa akin.

"Don't worry about him, he's fine nasa bahay siya."alam ko inaalala nito ang kalagayan ni David dahil sa mga nangyari.

"Si Janelle?"

"Nasa bahay din babe, kaya magpalakas ka na at mukhang namimiss ka na ng bunso natin. Sabi ni Mommy lagi daw umiiyak."she smiled.

"Mark promise me na pag wala na ako aalagaan mo ang mga anak natin okay?"napailing ako sa sinabi niya.

"Babe, hindi ka mawawala okay? At promise aalagaan ko kayo at mamahalin."kinakabahan ako pag ganito ang mga sinasabi ni Janine para itong mawawala.

"I know. Basta aalagaan mo at wag na wag mong papabayaan ang mga anak natin. Tatandaan mo mahal na mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Janine."

"Thank you for loving me. Ikaw na ang bahala sa mga anak natin mahalin mo sila. I love you."kinabahan ako ng dahan dahng pumikit ang mga mata nito.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon