XXXI. UNEXPECTED

157K 1.2K 55
                                    

XXXI. UNEXPECTED

"May problema ako Faye."bungad sa akin ni Zian pagkapasok niya palang sa opisina ko.

"Ano naman?"tumuloy ako sa table ko at prenteng umupo, for sure lalaki ang problema ng baklitang ito.

"Kailangan kong umuwi sa Pilipinas, may malaki akong project doon." Akala ko lalaki ang problema nito.

"Congratz! Anong problema doon?"

"Hello! Kailangan ko nanamang magpanggap na tunay na lalaki at hindi nanaman ako titigilan ng magulang ko tungkol sa pag aasawa. Hindi ko lang talag matanggihan itong project na ito, imagine isa sa pinakamayamang tao sa Asia ang client. At isa pang problema ko ay yung model na dadalhin ko, gusto nila pure Pinay, eh lahat ng kilala ko may mga project."mukhang problemado nga ito.

"Marami diyan for sure."sabi ko na lamang ditto dahil abala ako sa page edit ng mga pictures sa laptop ko.

"Pakipirmahan na pala itong kontrata ng project mo na nabanggit ko sayo, ito naman yung kay Alex parating na rin siya."sabay abot nito sa akin ng folder na para sa akin. Sa tagal na naming katrabaho si Zian may tiwala ako sa kanya.

"Ito yung sa shipping line di ba?"di na ako nag abalang basahin ang kontrata, pinirmahan ko na agad ito.

"Yes, so be ready we'll be flying to the Philippines in two weeks."sabi nito sabay kuha ng folder sa akin, doon lang pumasok sa isip ko ang sinabi niya.

"What?!"hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.

"Aga aga makasigaw naman ito."si Alex na kararating lang inabot sa kanya ni Zian ang kontrata at gaya ko hindi na ito nag abalang tingnan agad niya din ito pinirmahan.

"You heard me Faye, sa Pilipinas ang project na ito. Ikaw Alex sa Texas."kaswal na sabi nito.

"No! I will not go back there Zian! Hindi ako babalik doon! Ayoko!"nagulat sila ni Alex sa inasal ko, pareho silang nakatingin sa akin.

"Care to share?"malumanay na sabi ni Alex. Wala silang alam sa nakaraan ko, wala silang alam tungkol sa akin. Nang dumating ako dito sa Nevada nung simula okay ang buhay pero ng paunti unti ng nauubos ang ipon ko kinailangan kong maghanap nhg trabaho lalo na at buntis ako ng mga panahon na iyon. Ayoko ko naman magwithdraw ng pera dahil sigurado akong mahahanap ako ni Daddy.

Nahirapan akong maghanap ng trabaho noon dahil nga buntis ako. Nasa ika pitong buwan ako ng pagbubuntis ng makilala ko si Alex. Napalayas ako noon sa tinitirahan kong apartment dahil wala na akong pambayad kaya naman umupo ako sa labas ng isang coffee shop kung saan nagtatrabaho noon si Alex. Awang awa ako sa sarili ko noon at para sa isisilang kong anak. Then alex came, she offered her house.

Tinulungan niya ako hanggang sa makapanganak ako. Then Zian came pinautang niya kami ng puhunan ni Alex kaya nakapagsimula kami ng negosyo naming ngayon. Dalawang taon na ang anak ko ng mapagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pag aaral ko dahil stable na rin naman ang income naming ni Alex at nakabayad na kami kay Zian. Nakatapos ako at nakilala sa mundo ng photography as Ms. J lahat sila yun ang tawag sa akin maliban kay Zian at Alex. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa.

"Hindi pa ako handa." mahina pero malinaw ang pagkakasabi ko noon sa kanila.

"Saan ka hindi handa? Faye pitong taon na tayong magkakilala pero Janine Faye yun lang ang alam ko tungkol sayo. Sino ka ba talaga."seryosong tanong ni Alex habang si Zian naman abala sa paghahalungkat ng mga magazines ko siguro dahil ayaw ng kadramahan.

"Alex, I'm sorry kung wala akong sinabi na kahit ano sayo."

"Handa ka na bang magpakilala sa amin Faye?"

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon