XXX. REGRETS

163K 1.3K 125
                                    

XXX. REGRETS

"I love you too honey. Bye, see you soon."I ended up the call and smiled.

"Let me guess it's David right?" nakangiting tanong sa akin ni Alex, business partner ko siya sa we own a studio, I ended up as a professional photographer here in Nevada, she's also a Filipina kaya madali kaming nagkasundo at pareho kami ng hobby kaya nagtayo kami ng negosyo.

"Yes." hindi pa rin maalis ang ngiti ko thinking of David.

"Para namang hindi natin kaalis lang ng bahay nyan."magkasama kami sa bahay ni Alexandra, actually siya ang tumulong sa akin nung panahon na kailangan ko ng makakasama, nagkakilala kami sa isang coffee shop, and she offered help kahit na hindi niya pa ako gaanong kilala.

She only know my name Janine Faye, and she didn't bother to ask any information, siguro dahil noong mga panahong iyon alam niyang hindi ako willing mag open. It's been seven years, noong umalis ako ng Pilipinas walang direksyon ang buhay ko anggusto ko lang lumayo, napadpad ako dito sa Nevada. At walang nakakaalam sa kahit sino man sa kaibigan o pamilya ko andito ako sa States. I just want to be alone; I was so devastated that time because of a man.

"Good morning ladies!"naputol ang pagmumuni muni ko ng bumungad sa opisina ko si Zian.

"Hi Z, what brought you here? Di na ba uso ang katok ngayon? "tanong ko sa kanya, umikot ang mga mata nito. Zian is a gay yun nga lang closet queen, kung hindi mo siya kilala malamang magkakagusto ka sa kanya, he's deadly hot and handsome.

"Oh almighty Ms. J, I'm here para sa new projecst ninyo, make sure ikaw mismo ang photographer huh!" Zian owns a advertising company, he is FilAm pero laking Pinas.

"Selos naman ako diyan, bakit siya lang?"kunwaring tampo ni Alex.

"Dalawa ang project niyo tig isa kayo, hindi naman saw ala akong tiwala sa ibang photographer ninyo pero napakaimportante ng photo shoot na ito, at sa inyo ako may tiwala."sabi nito at umupo sa sofa sa loob ng office ko. Tig isa kami ng office ni Alex but they prefer to stay here in my office. Lahat ng staff namin dito ay Pinoy para mas madali at magaan ang samahan.

"Wow! Great, akala ko naman si Faye lang kukunin mo." natutuwang sabi ni Alex. Zian and Alex were Ex-lover, nagtry kasing magpakalalaki si Zian but he failed, inamin niya kay Alex ang totoo and Alex accepted it, until they're good friends.

"Okay so let's discuss it."seryosong sabi ni Zian, pagdating sa negosyo nakapaseryoso ng baklitang ito.

Pilipinas....

"Mark, ang gusto ng mag asawang investor natin ay magkaroon ng commercial ang bubuksan nating Cruise Ship ng JFF shipping lines pero ang gusto nilang maghandle noon eh yung anak nila fron U.S na nagmamay ari ng isa sa mga pinakakilalang ad company sa U.S." sabi sa akin ni Drei, I own forty percent of the shipping line, technically my wife also do dahil ang perang ginamit ko para itayo ito ay ang pera na iniregalo sa amin ng mga magulang naming noong ikinasal kami at ginamit ko na rin trust fund ko, twenty five percent naman kay Drei.

I'm a successful, kilala ako maging ang pamilya namin for chains of Hotesl and resorts hindi lang sa Pilipinas maging sa buong Asia. Maliban pa sa University at mga restaurants namin,itong shipping line pinaghirapan ko ito para kung sakaling bumalik siya may maipapakita akong achievement ko sa kanya, while Drei sila pa rin ang pinakamalaking fertilizer distributor sa buong asya at meron din silang malaking construction company na hawak naman ng kapatid nito.

"Okay, but I want a Filipina model, no foreign blood."seryosong sabi ko kay Drei, pag nakakakita o naririnig ko ang salitang model isang tao lang ang pumapasok sa utak ko, I guess hindi naman talaga siya nawala sa isipan ko.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon