XL. MARK AND DAVID

155K 1.9K 97
                                    

XL. MARK AND DAVID

“Hello Alex? Nasa airport na ba kayo? Hindi ko nasabi kay Faye andoon kasi yung asawa niya.” tumawag sa akin kahapon si Alex para ipaalam na uuwi ito ng Pilipinas dahil may aasikasuhin, wala naman itong mapag iwanan kay David kaya isinama na lamang nito ang bata. Naikwento ko rin sa kanya ang mga nangyayari kay Faye, nagulat ito ng malaman na may asawa na pala si Faye at mayaman ang pamilya nito maging ang asawa nito. Kanina sasabihin ko sana kay Faye ang tungkol sa pagdating nila Alex at David but I saw her eating lunch with her husband. Hindi siguro aware si Faye pero kitang kita ko kung paanong sumasaya siya pagkaharap o pagkasama niya ang asawa niya, pilit niya mang itago kusa talagang lumabas. And I know ito ang tamang panahon para mag ayos sila for real at magkaroon ng ama si David.

Pagkaalis ko sa JFF agad akong tumuloy sa airport para sunduin sila Alex at David. Ano kaya ang magiging reaction nilang mag asawa pag nakita nila si David? Ano kaya ang magiging reaction ni Mark pagnakita niya ang batang version niya?

“Daddy Zian!”narinig kong sigaw ni David, kadarating ko lamang sa may waiting area. Agad akong lumapit sa kanila ni Alex na mukhang nainip maghintay sa akin.

“Hey kiddo!”yumakap ito sa bewang ko, close kasi kami ng batang ito at gusto ako gawing tatay.

“What took you so long?”mataray na tanong sa akin ni Alex. Kahit kalian talaga napakamainipin nito. 1 month na din kami ni Faye sa Pilipinas siguro namiss nya lang kami.

“Galing pa ako sa office ni Faye.”mahinang sabi ko sa kanya, mukhang nakaunawa naman ito dahil tumingin ito kay David na nakatingin naman sa amin ni Alex ngayon at alam kong narinig nito ang sinabi ko dahil lalong nagliwanag ang mukha nito. Kamukhang kamukha talaga ni Mark ang batang ito, isang tingin palang alam mong mag ama sila.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon