XXXIV. HURT

152K 1.5K 57
                                    

XXXIV. HURT

“I will forgive you if you will set me free.”parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi ni Janine. Hindi kayang tanggapin ng puso ko ang sinabi niya, hindi ko kaya. I felt the unbearable pain on my chest because of what she said.

“No please, I can’t do that.” I’m really a jerk, sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa pakawalan siya. Alam kong napakarami kong kasalanan sa kanya hindi ko na mabilang kong ilan. Naging mahina ako at nagpadala kay Abby, I really regret it. Kung pwede lang talaga ibalik ang oras gagawin ko para hindi sana kami umabot sa ganito, sana Masaya kami ngayon at siguro may anak na sana kami, puro sana, sana ganito, sana ganyan pero nandito sa harapan ko ngayon ang katotohanan, ang masakit na katotohanan na dala ng mga pagkakamali ko.

“Mark, ito ang kailangan natin.”lalo akong umiyak sa sinabi niya, kabaklaan man ang pag iyak wala akong pakialam. Dahil ang babaeng yakap ko ngayon siya ang kahinaan ko, siya ang tanging may hawak ng puso ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga katangahan ko. Alam ko kulang pa itong pagluhod ko kanya kumpara sa sakit ng damdamin na binigay ko sa kanya. At hindi ko ikinakahiya ang pagmamakaawa ko sa kanya dahil itong taong ito siya lang ang kulang sa buhay ko kaya napakasakit para sa akin ng hinihingi niya.

“I love you very much babe please don’t do this please please Janine don’t leave me I beg you don’t leave me please hilingin mo na ang lahat wag lang yun.”lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya para hindi siya makawala, I can’t lose her I just can’t. kung pwede ko lang ibalik ang oras, kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati.

“Let me go. Kung talagang mahal mo ako papalayin mo ako.”para akong sinaksak sa sinabi niya. wala ng mas sasakit pa doon, gusto niya palayain ko siya parang sinabi niya na rin na mamatay na lang ako. Ganito na ba ako kaselfish? Oo siguro dahil pagdating sa kanya sakim ako pero paano kung ito talaga ang gusto nya ta magpapasaya sa kanya? Hindi ko kayang tanggapin, ayoko! Tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko at kahit anong gawin ko pagpumayag ako sa gusto niya hinding hindi ko na siya maibabalik sa buhay ko.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon