XLI. HATE ME

157K 2K 113
                                    

XLI. HATE ME

Pagkatapos ng madamdaming pagkikita ni David at Mark kanina, hindi pa rin at matahamik dahil hindi ako kinikibo ni Mark. I need a break kaya ito kami ngayon sa coffee shop kasama ko sina Alex at Zian. Si David naman ay nasa opisina ni Mark, hinayaan ko na lamang at mukhang sabik talaga sila sa isa’t isa.

“Faye, madaya ka talaga.”makalabing sabi ni Alex. Kasalukuyan naming hinhintay ang order namin.

“Bakit naman?”kahit may kutob na ako kung ano ang ibig nitong sabihin pinili ko pa rin na magtanong sa kanya.

“Gosh! Hindi mo naman sinabi na may asawa ka na at higit sa lahat hindi mo sinabi na Adonis ang asawa mo!”eksaheradang sabi nito. Tawa naman ng tawa si Zian, namiss ko itong babae na ito.

“Now you know.”tipid na sabi ko sa kanya, hanggat maari nga ayaw kong pag usapan muna, lalo na ngayon alam kong galit sa akin si Mark. Kailangan makaisip ako ng paraan kung paanong mawawala ang galit niya.

“Ilibot mo naman kami minsan sa hacienda nyo,sabi kasi nitong si Zian may hacienda daw kayo.”may pagkahyper din talaga itong si Alex.

“Bawal ang manang sa hacienda nila Faye.”pang aasar ni Zian sa kanya. Makakatuwa tingan ang dalawa na ito parang aso’t pusa.

“Excuse me hindi ako manang.”she rolled her eyes. hindi naman talaga manang si Alex, konti lang.

“Faye mukhang okay na kayo ni Mark ah. May payakap yakap pa kayong nalalaman.” Alam ko hinihintay lang ng mga ito na magkwento ako lalo na ni Zian.

“Okay na kami kanina, ewan ko ngayon. Nakita niyo ba yung galit niya kanina sa akin.”bothered talaga ako, okay na sana eh. Siguro nga galit ito dahil tinago ko si David sa kanya.

“Lilipas din yan Faye, nabigla lang siguro siya noon malaman na may anak pala kayo, imagine seven years kang nawala tapos pagbalik mo may anak pala kayo na hindi niya alam.”may point nga naman si Zian, ang tagal kong itinago si David kay Mark, hindi pa rin maiaalis sa kanya ang magalit sa ginawa ko.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon