XXXV. DAVID

155K 1.6K 61
                                    

XXXV. DAVID

“Mark.”sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, paano kong malaman niya ang totoo tungkol kay David? Hindi pa ako handa, ayoko kong mawalay sa akin ang anak ko.

“Kaya ba gusto mong makipaghiwalay ng tuluyan dahil sa anak mo or I’d rather say na anak nyo ni Zian?”naglakad ito papalapit sa akin the moment our eyes met nakita ko ang halo halong emosyon sa mga mata nito, love, confusion and hatred. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanya should I tell him about our son or I’ll just keep it at bahala na siyang maniwala na anak naming ni Zian si David?

“Hindi ka makasagot ngayon huh! Ano sagutin mo ako Janine , kaya mo ba gustong makipaghiwalay dahil sa lalaking yun at sa anak nyo?!”nang tuluyan na itong nakalapit sa akin hinwakan nito ang balikat ko at inalog ako na para bang ginigising niya ako.

“Bitiwan mo ako Mark.”lakas loob kong sabi sa kanya knowing Mark anytime now pwede na itong magwala sa nakikita kong galit sa mga mata nito.

“Answer me! How old is your son?!”lalong nadagdagan ang galit nito nakaramdam ako ng takot, alam ko namang hindi niya ako sasaktan physically pero hindi ko maiwasang matakot sa kanya, napatingin ako kamao nitong nasa balikat ko nakita kong may bandage iyon at may marka ng natuyong dugo parang gusto kong haplusin iyon pero pinigil ko ang sarili ko, hindi ako pwedeng bumigay sa kanya, muli kong itinuon ang paningin ko sa mukha niya, nakakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi ko maikakaila ang malakas na pintig ng puso ko. This can’t be, not again!

“It’s none of your business Mark and leave my son alone.”pinilit kong magpakatatag, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan kay Mark dahil pakiramdam ko anumang oras mawawasak na ang itinayo kong pader sa pagitan namin.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon