L. SACRIFICE

124K 1.2K 68
                                    

L. SACRIFICE

Buo na ang desisyon ko, handa na akong ilagay ang buhay ko sa alanganin mailigtas lang si David. Bilang isang ina, handa akong gawin ang lahat para sa anak ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tinawagan ang taong may hawak kay David.

"Hello. This is Janine, I want my son back, if you want my life in exchange of my son, I'm willing to give it just don't hurt my son."pinigilan ko ang panginginig ng boses ko habang sinasabi ko iyon.

"Sige tatawagan nalang kita kung saan at kailan tayo magkikita. Wag kang tatawag ng pulis kung hindi mawawalan ng buhay ang anak mo."iyon lang at pinutol nito ang linya.

Forgive me Mark, bulong ko sa sarili ko. Kung sakali mang mawawala na ako sa mundo panatag akong hindi papabayaan ni Mark ang mga anak namin, alam ko kung gaano niya kamahal ang dalawa. Pero sa ngayon ang kailangan kong masiguro ay ang kaligtasan ni David.

"Babe."halos mapasigaw ako sa gulat ng marinig kong magsalita si Mark, kanina pa ba ito doon? Narinig kaya nito ang pakikipagusap ko sa taong kumuha sa anak namin? Sana wag naman dahil sigurado akong hindi ito papayag sa balak kong gawin, i know my husband very well.

"M-Mark?"hindi ko mapiilan na mabulol sa tindi ng kaba na nararamdaman ko ngayon, sinubukan kong ngumiti but i guess I failed dahil kunot noo itong lumapit sa akin.

"Sino yung kausap mo?"nagdududa ang tingin na ibiniay nito sa akin na kulang nalang ay kunin nito ang cellphone ko ang tingnan kung sino man ang kausap ko kani- kanina lamang.

"Si Anne, may itinanong lang ako."pagsisinungaling ko sa kanya, I'm not really good at lying pero sana naman this time nakumbinsi ko siya.

"Are you sure?"nanunuot ang paraan ng pagtingin nito sa mukha ko, pinag aaralan niyang maigi kong nagsasabi ako ng totoo.

"Oo naman. Saan ka pala pupunta?"pagbabago ko ng usapan, nakabihis ito kaya paniguradong aalis ito.

"Sa NBI, tumawag sila at pinapapunta ako. Sana naman may lead na sila kong nasaan si David."napalitan ng lungkot ang gwapong mukha nito, ang mukha mamimiss ko.

"Sana nga. Mag iingat ka. I love you."tumingkayad ako upang abutin ang mga labi nito. i kissed him, mukhang nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay tumugon na rin ito.

"I love you more. Wag na wag mo akong iiwan Janine, hindi ko kaya."sabi niya akin after we kissed. bumigat ang puso ko ng marinig iyon. Hindi ako sumagot sa halip niyakap ko na lamang siya ng buong higpit.

---

Isang araw matapos kong tawagan ang kidnapper ay tumawag ito sa akin para ipaalam kong saan kami magkikita. Ipinakausap pa nito sa akin si David para makasigurado akong buhay ang anak ko. Tamang tama wala si Mark kaya hindi mahirap sa akin ang pag alis. bago ako umalis nag iwan ako ng sulat para kay Mark at sa mga anak ko na kung sakaling hindi na ako makabalik ng buhay.

Halos manlamig ang buo kong katawan ng marating ang lugar. Isang katamkatamang laki ng medyo may kalumaan ng bahay ang nadatnan ko. I want to curse myself, hindi na ako makapagisip ng tuwid dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon. Hindi ito kalayuan sa lugar namin, more or less nasa thirty minutes lang akong nagdrive. Ipinirada ko ang kotse ko sa harap ng gate. Agad akong bumaba ng sasakyan, nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko pero pilit kong nilakasan ang loob ko. Pagkapasok ko sa gate ay muling tumunog ang cellphone ko, yung kidnapper ang tumatawag. hindi na ako nagdalawang isip agad kong sinagot ang tawag.

"H-Hello?"

"Pumasok ka sa bahay, wag ka magkakamaling gumawa ng maling hakbang kung hindi patay itong anak mo."pagkaputol ng linya ay humakbang na ako palapit sa main door. Lalong nanlamig ang kamay ko ng tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan, maayos at maaliwalas ang loob ng bahay kung sa ibang pagkakataon lang hahanga ako sa pagkakaayos ng mga modernong gamit sa bahay na iyon. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. bahala na ang Diyos,ang mahalaga mailigtas ko ang anak ko.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon