After 6 years...*Kring!! Kring!!*
Nagising ako sa ingay gawa ng orasan sa gilid ng kama ko. Naghanda na ako sa pagpasok. Nagsisipilyo ako nang mapansin ko ang kalendaryong nakapatong sa study table ko.
*SIGH*
kaya pala napanaginipan ko na naman yun!
'March 21...
Hayy..
Nag almusal na ako at pumasok na sa klase.
Sabado ngayon kaya pwedeng magdala ng kotse.
Ipaparada ko na sana ang kotse ko sa laging pwesto nito nang biglang sumulpot ang isang motor buti na lang at nakapagpreno ako kaagad sabay busina ng malakas!
Tae! Nabangga ko ba? (O.O)
Natataranta kong dinungaw kung nagasgasan ba ang kotse ko at para tanungin kung ok lang yung driver ng motor.
Nakaramdam ako ng kaba kasi konting konti na lang ang pagitan ng bumper ng kotse ko at ng hita niya.
Hinampas niya ang hood ng kotse ko tsaka humarurot paalis. (O.O)
So ngayon ako pa mali? Ang galing nun ahh! Siya nga tong basta - basta na lang magpatakbo!
pasalamat siya nakahelmet siya! Kung hindi baka nabangasan ko siya! Hmmp!Pinarada ko na ang kotse ko tsaka pumunta sa unang klase ko.
***
Katabi ko sa library si Kristy (roomate ko) habang nagre-research para sa report ko.
"Ang gwapo daw ng bagong boyfriend ni Ruby ahh! Richard daw ang pangalan"Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan niya. At katulad dati napapapitlag pa rin ako kahit pangalan lang niya ang binabanggit.
Kahit alam kong mali.. minsan may mga 'what ifs' pa rin ako na hindi ko din masagot. Kasi.. 'what if, hindi ako umalis?' O kaya 'what if, sinabi ko sa kanya?'
Haayy... ewan!
"Oh bakit parang natulala ka dyan A.?"
I tried to smile at umiling lang sa kanya. "Wala. Gutom na ako. Kain muna tayo."
Richard..
Naiinis ako sa sarili ko! Parang bumabalik na naman sa akin ang lahat.
Pero siya naman ang nagtulak sa akin palayo di ba?
Sa loob ng apat na taong hindi namin pagkikita, sinubukan ko siyang kalimutan. I tried yet, I failed.
In just a mere second, he's hunting my mind again.
Ni hindi nga niya ako hinanap man lang tapos pangalan lang niya ang nabanggit naninikip na naman ang dibdib ko at nararamdaman ko na naman ang sakit!
Ano ba tong nangyayari sa akin?
Ibang Richard ang iniisip ko sa sinasabi ni Kristy pero ang laki talaga ng epekto! *Sigh* (=___=)
Niyaya ko na lang si Kristy sa Starbucks. May pinagkakaguluhan sa labas ng coffee shop pagdating namin.
"Sino kaya sa mga celebrity sa university ang pinagkakaguluhan?" tanong ni Kristy sa akin.
"Ako pa talaga ang tinanong mo Kristy? Ikaw tong laging updated sa ating dalawa."
"Oo nga 'no? baka party! Teka nga magtanong ako.. Jen!" tawag niya sa isang babae na malapit sa amin. Nag-usap sila saglit at pagbalik ay bigla na lang akong hinila.
"Kristy saan ba tayo pupunta?" sabi ko habang kinakalas ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
"Tignan lang naman natin saglit yung Richard Elezarde! Bilis! Yung bagong composer ng WXYZ BAND at tagapagmana ng Empire! Bilisan mo maglakad, makikisiksik na tayo!" Kinabahan ako sa sinabi ni Kristy.'RICHARD ELEZARDE'
Kahit kasi siya na ang bestfriend ko mula ng magtransfer siya nung 2nd year dito sa Philippine Rizal International University, hindi ko naman sinabi ang tungkol kay Richard o sa mga nangyari dati. Bagong buhay nga di ba ang peg ko? Gusto ko ng bagong mundong gagalawan matapos ng mga nangyari. *weak smile* pero mukhang hahabulin at hahanapin ako ng nakaraang ayoko nang maalala..
Nang makarating kami sa harapan, halo - halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nakita ko siya yet sad, because we grew on separate ways and at the same time selos. Oo nararamdaman ko na naman ang bagay na yan! Kitang kita ko kung paano siya makipaglandian kay Ruby. Napako na ata ako kinatatayuan ko ng lumingon siya sa direksyon namin at magtama ang tingin namin. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Bakas din sa mukha niya ang pangkabigla sa muli naming pagkikita.
-----
Author's Note:
From Allyssa she was now called 'A' (ey)
Yes! You read it right! 6 years after 'to.. pero 4 years pa lang silang hindi nagkikita ;)
Abangan niyo na lang kung anong nangyari... ;) :P ^_^
Whahaha XD
![](https://img.wattpad.com/cover/14888570-288-k423748.jpg)
YOU ARE READING
This Selfish Love of Mine
Teen FictionIstorya ito ng magbestfriend na nain-love sa bestfriend. PANGKARANIWAN??? Sinong author ang gumawa ng isang istoryang pangkaraniwan? Siyempre may twist! ^_^v This is a story of Love, Friendship, Betrayal, Expectations, False Hopes and Failure but t...