CHAPTER 8: THE BACK STORY

15 1 0
                                    

CHAPTER 8: THE BACK STORY

Hindi ko na napigilang umiyak pagsakay ko ng taxi. Gusto ko mang mag stay sa bahay, hindi pwede dahil hindi ako nakakuha ng 'week end pass' kanina.

Nang dumating ako sa kwarto, napansin agad ni Kristy na namamaga ang mata ko.

"Naku A ahh! Anong ginawa sayo ni Richard Elizarde? SABIHIN MO! BUBUGBUGIN KO!"

"Wala... Nagpunta lang kami sa kanila." Nanlaki ang mata ni Kristy

"ANO??? PUMUNTA KA SA KANILA?"

" SO KILALA MO TALAGA SIYA? AT-hmmmmm" Tinakpan ko ang bibig niya.

"Wag ka nga sumigaw! OO kilala ko siya... actually, bestfriend ko siya... dati. "

"BESTFRIEND?!!!" sigaw nanaman niya.

tumango lang ako.

"Siya yung taga-KOREA? Eh di ba Jiyong ang pangalan nun?"

"Hindi... bago ko pa maging bestfriend si Ji, naging best friend ko muna si Cha- I mean si Richard."

"Ahh so.. (O.O) SABI KO NA NGA BA EH! SOMETHING'S FISHY BETWEEN YOU TWO NUNG INTERVIEW EH! Nagtatampo ako ahh dapat sinabi mo agad! Ano pang itinatago mo sa akin? Grabe ka! Inilihim mo sa akin ang lahat!!!"

Binatukan ko nga! "Hoy ang OA mo ahh! Yun kasi ang nakaraang masyadong masakit balikan..."



"WOW! Interesting..." tugon niya habang nakahawak pa sa baba ang isa niyang kamay. Alam ko na ang tinginan niyang ganyan! Mukhang hindi kami matutulog dahil sa curiosity niya.

"Anong nangyari?" Ayan na! Naka-on na si tsismisa-mode-kristy!

"Well, bestfriends kami since babies.. bestfriends din ang mga magulang namin an---"

"OMG! Ikaw yung anak ng ka-sosyo nila sa EMPIRE!!!?"

I give her a nod as an answer.

"OMG! GANUN KA KAYAMAN!? EH ANG HIRAP NGA MAGPALIBRE SA--hhmmmhmm" Tinakpan ko ulit ang bibig niya.

"Tsaka kung maka-raket ka bilang translator, taga-gawa ng homework at thesis akala mo naman naghihikayos ka! Yun pala pwede kang mag beauty sleep na lang sa yaman niyo."

"Ano ka ba extra income ko lang yun! Syempre hindi ko naman ginagamit yung account ko kasi malalaman nila kung nasaan ako..."

"Eh bakit nga ba ayaw mong malaman nila kung nasaan ka?"

"Mahabang kwento... matulog na tayo.."

"Ay! Ang daya! A naman... para saan pa at naging bestfriend mo ako kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan? Ang sakit ahh! ANG SAKIT! SAKIT!"

"ANG DRAMA! Oo na ikukwento ko na!"

"Yehey! Sabi ko na hindi mo ako matitiis eh! Simulan mo na! Game!"

Tumabi siya sa akin at sinimulan ko na ang pagkukwento. Mula sa fieldtrip at sa akala kong pagtatapat sa'kin ni Richard. My first heart break at ang nangyari matapos kong malamang si Allison yung gusto ni Chard...

6 yrs ago.. flashback...

Sa sakit ng nalaman ko, hindi rin ako pumasok kinabukasan. This is my first heartbreak! Ang sakit kayang umasa!

Akala ko kasi ako talaga yung bestfriend na tinutukoy niya. ;( yun pala si Allison!

Pinuntahan ako ni Chard kagabi pero sabi ko kay Mommy sabihin na natutulog na ako.

Kumakain ako ng agahan nang yakapin ako ni Mommy. Dahil doon ay tumulo nanaman ang luha ko.

"Baby, you can tell me what happened." Bulong ni Mommy habang nakayapos siya sa akin.

This Selfish Love of MineWhere stories live. Discover now