Chapter 6:
Kinabukasan lutang pa rin ako. Nagpapalipas oras ako dito sa tabi ng soccerfield. Nakakainis dahil paulit – ulit kong naaalala yung itsura niya habang sinasabing tungkol sa akin yung next composition niya! >_< Sa'kin ba talaga o baka mamaya ibang bestfriend na naman ang tinutukoy niya...
“ARRGGHH!!! Lubayan mo nga ako!” Nailakas kong sabi.
“GRABE! Hindi pa nga ako nakakahirit ganyan na kaagad banat mo sa akin?” nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Si Kristy na kunyaring mangiyak - ngiyak habang nagsasalita. PAAWA EFFECT!?
Tumabi siya sa akin at binigyan ako ng Mogu –Mogu. Tinignan ko lang siya habang binibigay niya sa akin ang mogu – mogu. May masamang balak na naman ‘to eh! Hah! Hindi niya ako madadaan sa mogu – mogu! :P
“GRABE TALAGA! Alam mo kaagad na suhol ko ‘to para samahan mo ako bukas!” Nakangusong sabi pa niya. Parang bata talaga to!
“Saan mo na naman ako dadalhin?” mataray na tanong ko sa kanya. Hindi pa ako nakaka-get – over sa pinagawa niya sa akin kahapon.
“Ayiiee! Sabi ko na di mo ako matitiis eh!” hirit niya kaya napatawa ako sa kanya.
“Oo na! saan ba ‘yan?” curious kong tanong. Pasalamat siya di ko siya matiis.
“Bukas tutugtog ang WXYZ!!! KYAAAHH!!! ” makatili naman si Kristy wagas! Nakukulili yung tenga ko ahh!
“Kailangan ganyan ka excited?” pang – uuyam ko sa kanya.
“Sasamahan mo ako A. ha! Nakabili na akong tickets! Here ohh! 1 for you and 1 for me.”
“Bumili ka talaga? O Libre dahil gagawan mo ng scoop?”
“Tumpak! Kaya tumayo ka na dyan at pupunta tayong Mall bilis!” hinila na nga niya ako. Mas ok na ‘to makapaglibang muna.
***
Nasa Shopping Center kami at naghahanap ng masusuot si Kristy. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng PRIU.Primyadong unibersidad ang PRIU. Invitational ang pagpasok dito sa school kaya magugulat ka na lang kung sino ang nasa paligid mo.
Stay-in kami dito maliban sa mga artistang estudyante magulo kasi ang schedules nila.
Pwede naman lumabas kung weekends or holidays or semestral breaks o kaya naman important family matters at paminsan minsan, out-of-school trips.
Ganun kasi dito sa PRIU! Mas mamomonitor ng management ang lahat ng estudyante kung nasa loob lahat.
We have 12am curfew na dapat wala ng tao sa streets ng PRIU maliban sa guards.
Maraming gustong makapasok dito ngunit kaunti lang ang mapalad.
Napukaw ang atensyon ko ng poster ni Richard. Advertisement ng Empire. Nakangiti siya doon katulad ng ngiti niya noong magbestfriends pa kami. I smiled bitterly.
I ruined everything we had…
Nandito kami ngayon sa Dairy Queen kumakain ng ice cream at nagpapahinga bago umuwi.
Nagulat ako ng biglang may tumabi sa amin.
“Hi! Mind if I join you?” Shemay! Ang bilis ng tibok ng dibdib ko! Bakit siya nandito?
“Yeah sure!” cool na sabi ni Kristy kay Richard.
In-activate ko yung fake call ng phone ko at matapos ang 5 seconds, nagring na.
“I'll take this call. Excuse me.” Paalam ko kay Kristy sabay alis diretso sa labas ng Shopping Center.
Naupo ako sa isang bench para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi ko pa rin kayang makitungo sa kanya na parang wala lang.
A-K-W-A-R-D!!!
Napatitig ako sa isang lalaking nakatuxedo at tumatakbo na parang may hinahanap. Pawis na pawis siya habang palinga – linga at nagtatanong – tanong sa mga nakakasalubong niya...
*Flashback*
Alas-singko na ng hapon kaya labis ang pag – aalala ko para kay Chard. Kagabi matapos ng Annual School End Party ay hindi pa rin umuuwi si Chard kaya nagtanong – tanong ako hanggang sa may nakarinig daw kay Chard na pupunta siya kina Allison.
Nandito ako sa looban kung tawagin nila. Dikit - dikit ang mga bahay at may makikipot na iskenita. Kahit saan may mga nag-iinuman at madaming tambay.
Oo, dito nakatira si Allison, scholar siya sa GAA.
“Chard!” Sigaw ko nang makita ko si Chard sa may tapat ng isang maliit na bahay. Nakaupo lang siya habang nakasandal ang likod sa mismong pinto ng bahay. Suot pa rin niya ang tuxedong puti niya mula kahapon. Nag angat siya ng ulo nang marinig ang pagtawag ko sa kanya.
“ALLY! BAKIT KA NANDITO? SINONG KASAMA MO?” galit na tanong niya sa akin nang lapitan ko siya.
“Hinahanap ka na nila Tita. Kagabi ka pa hindi umuuwi.” Naiiyak kong sabi sa kanya. Ako na nga ang nag-aalala tapos nagagalit pa siya.
“DELIKADO DITO! Bakit ka pa pumunta? Uuwi ako pag nakausap ko na si Allison. Halika na! ihahatid kita sa sakayan, tawagan mo na yung driver niyo para masundo ka na.” sabi niya sabay hila sa braso ko nang marahas.
“Chard ano ba!” sabay piglas ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.
“Hindi ako aalis kung hindi ka sasama.” Mariin kong sabi na may pinalidad.
Binitiwan niya ang braso ko kaya akala ko ay ok na at sasama na siya sa akin pauwi pero bumalik siya sa pagkakaupo at walang sinabi. Hindi ko na napigilan kaya sinigawan ko na siya.
“ANO BA CHARD!!! KUNG GUSTO KA NIYA MAKAUSAP, SANA KAGABI KA PA NAKAUWI!” nakakainis siya! “ANG TANONG AY KUNG NANDYAN NGA BA SIYA?!” sabay galabog ko sa pintong kinasasandalan niya.
“HOY ALLISON LUMABAS KA NGA DIYAN AT KAUSAPIN MO SI RICHARD!” patuloy kong hinahampas ang pinto.
Pinigilan naman ako Richard at itinulak, Dahilan upang napasubsob ako sa lupa at gumasgas sa nakausling bato ang tuhod ko.
“WALA NGA SIYA DIYAN!” sigaw sa akin ni Chard. “HINDI PA NGA UMUUWI! HIHINTAYIN KO SIYA KAYA UMUWI KA NA!” Kita ang galit at pagka-inis sa mukha niya. Hindi ko na mapigilan ang luha ko at tuluyan na akong naiyak.
“Alam mo naman pala na wala siya diyan! Bakit hinihintay mo pa? sigurado ka bang babalik pa siya?”sigaw ko habang pilit na tumatayo.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa iskandalong ginagawa namin pero wala na akong pakialam dun!
Then something hit me! There’s this throbbing sensation on my right ankle. Na twist ito nang itulak ako ni Chard. Bumagsak ulit ako sa lupa. Lalapit sana siya para alalayan ako pero...
“Huwag mo kong lapitan!” Naiinis ako sa kanya! Mas uunahin niya si Allison kaysa sa nag-aalalang magulang niya.
Mas iniisip niya pa si Allison kaysa sa sarili niya. At ang pinaka masakit dun, mahal niya talaga si Allison at ako hanggang kaibigan lang…
Sakto namang dating ang mga pulis na inutusan nila Tito para hanapin si Chard. Nagmatigas pa siya at ayaw sumama kaya napilitang gumamit ang mga pulis ng isang panyo na may kemikal na pampatulog.
Everything went blur then the next thing I knew nasa kwarto na ako at naka bandage ang paa ko.
----Author’s Note:
Okaayyy…. Medyo sabaw ba? Whahaha :D Next week ulit! Buhbye!!!
YOU ARE READING
This Selfish Love of Mine
Novela JuvenilIstorya ito ng magbestfriend na nain-love sa bestfriend. PANGKARANIWAN??? Sinong author ang gumawa ng isang istoryang pangkaraniwan? Siyempre may twist! ^_^v This is a story of Love, Friendship, Betrayal, Expectations, False Hopes and Failure but t...
