Chapter 2: Ay!

25 1 0
                                    

               Sana mabalikan ko yung mga ganyang ala-ala. Yung masaya kami at magkasama. Walang problema.. walang gulo.. Pero sa pangyayaring yan, Nagsimula ang lahat ng ito.

               Lunes matapos ang fieldtrip, Pagpasok ko pa lang ng gate ay sigawan ang sumalubong sa akin.

               “KYAAHH!!!! Ang sweet!!!” sigaw ng mga babae na nakakumpol sa open field. Madaming nakaharang kaya hindi ko makita kung anong pinagkakaguluhan.

               Nagtanong ako sa isang babaeng nasa harap ko. “Anong meron? Bakit nagsisigawan?” Ang Mistresses pala ang napagtanungan ko. =_=

               “Allyssa kinakantahan ka ni Richard ohh! Ayun sa harap!”  ngiting ngiti si Jenette habang sinasabi niya yan. (O.O) Si Chard kinakantahan ako? Saya ang bumalot sa buong pagkatao ko.

“Ayiee I’m lucky I’m inlove with my bestfriend pa ahh! Ayiiee!! <3 ^__^” tudyo pa sa akin nila Meg. Mabait din naman pala tong mga to eh.

               (O.O) Ang galing nga nung fountain! Grabe! (*Q*) Dali – dali akong pumunta sa harap.

               Sa gitna ng mga nagkakagulong tao ay nagtama ang tingin namin ni Chard at mas lalong nagliwanag ang kanyang mukha. Sheesh! DREAM COME TRUE!!! ^____^

               Dahan – dahan akong naglakad habang kusang humahawi naman ang mga tao upang bigyan ako ng daan. Labis na galak ang nararamdaman ko! ^__^ Ikaw kaya try mong matupad yung kahilingan mo hindi ka kaya baliw? ^____^V

Tatlong hakbang na lang nang makita ko si Allison sa tabi ni Chard! Parang nabasag ang puso ko ng makita kong hawak ni Chard ang kamay ni Allison at hinagkan ito… Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa magkabilang pisngi.

Arrgghh! Bakit? Bakit ganito? Akala ko ako talaga eh! Akala ko dream come true eh! BANGUNGOT PALA!!! Hindi nga lang pala ako ang BESTFRIEND niya ngayon! Andyan si ALLISON… ang sakit – sakit! at ang bigat sa pakiramdam! Arrgghh!! Ang tanga mo talaga Allyssa! Nag-illusion ka lang at umasa! Patuloy ang pagdaloy ng luha ko at hindi ko na kinaya.. tumakbo na ako palayo doon.. hindi naman pansin ng lahat na nawala ako dun.. parang hangin lang akong nawala na kahit si Chard ay hindi ako nakita..

-------Author’s Note--------

Aww.. ang sakit talaga nang mga moments na ganyan eh! TT___TT

Additional Info BTW..

THE MISTRESSES is a group of queenbee sa school. Maldita sila kaya nagtataka si Allyssa sa pagiging mabait nila. The group is compose of Meg Angela Imperial (their leader), Danica Joyce Ayala, Devon Claire Sy, Jenette Kim Valdez, Rechelle Umber Ramos

This Selfish Love of MineWhere stories live. Discover now