CHAPTER 9: THE YEAR END BALL

14 1 0
                                    

I became very busy for the ball at Wednesday na kaya naman sobrang aligaga na kaming organizers.

Pag uwi ko sa bahay, didiretso na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong paang may bisita kami.

"Hi Allyssa! I want you to wear this on your upcoming closing party!" Bungad sa akin ni Tita Estelle pagbaba ko. May hawak siyang box na may S & E Couture na tatak. Bagong creation siguro niya since kakauwi niya lang galing sa Paris.

"Nasabi kasi sa akin ni Richard na may Ball kayo this Saturday so na-excite ako kaya pinuntahan kaagad kita para ipakita sayo itong gown na pasalubong ko para sayo." Nilabas niya ang isang pulang gown na napaka ganda. May crystals at exquisite pattern ito na hapit sa waist at siguradong angat na angat pagtinabi mo sa ibang gown.

"Thank you po Tita! Ang ganda - ganda!" puno ng galak kong pasasalamat kay Tita. Na-excite tuloy ako sa closing party.

"Queen of the night ka sa gown na yan baby!" komento ni Mommy.

"Syempre! Ako may gawa niyan! You'll be the most stunning girl in the party!" proud na sabi ni Tita Estelle.

Napaka ganda talaga nung gown.

"Ahmm.. Tita if you don't mind, may gown din po ba kayo for Allison? Kasi siguradong gusto ni Chard na maganda din yung gown ng g-girlfriend niya." I looked at Tita Estelle smiling, as if on instinct those words came out of my mouth. Medyo nanikip pa yung lalamunan ko nang sabihin ko yung word na girlfiend.

Katulad nga kasi ng sinabi ni Allison, gusto niya isuot ang gawa ni Tita Estelle.

"Girlfriend? Ahh! Nabanggit nga pala niya sa akin yan. I want to meet that girl." Hindi pa pala nakita ni Tita si Allison. Lagi kasing out of the country si Tita.

Ngayon ko lang din napagtantong hindi pa pala sila nagmeet ever.

"Akala ko nga ikaw Allyssa ang magiging girlfriend ni Richard ko." Sabi ni Tita habang inaayos yung pleats ng gown na nagulo nang isuot ko. Nagblush ako sa sinabi niya. Kung pwede lang Tita! Sana lang talaga! :(

***

As I arrived in the auditorium, it felt surreal! Dahil na din siguro sa Royal Ball ang theme nitong party kaya para akong nasa fairytale. Ang ganda kasi ng atmosphere at dahil sa napakagandang gown ko, pagpasok ko pa lang, feeling ko ako si Cinderella na pinatitinginan ng mga tao. (^___^)

Perfect na sana ang lahat! kaya lang mukhang talo pa ni Chard yung constipated sa itsura niya pagsalubong niya sa akin.

"Ally, nakita mo ba si Allison? Nandito na daw siya sabi niya kanina pa. Pero kanina ko pa siya hinahanap, hindi ko naman siya makita." Alalang -alalang sabi ni Chard.

Para naman akong pinatay ng sampung ulit sa sinabi niya! Grabe ang sakit ahh! Kadarating ko lang si Allison kaagad ang hahanapin niya? '#Bitter ka lang teh!' Sabi naman ng subconscious ko!

"H-hindi eh. Kadarating ko lang. " actually 2 hours nga akong late kaya bongga yung entrance ko eh!

"Itext mo nga bestfriend. Baka napa'no na yun!" halata yung kaba sa boses ni Chard.

"Baka may surprise lang sayo!" pinilit kong sobrang pasayahin ang boses at facial expression ko.

"Sa tingin mo?" Alangang tanong niya sa akin.

"Siguro... Antayin mo lang mamaya magpapakita din yun sayo.." At pinilit ko na namang ngumiti. >___< Ang hirap. Feeling ko tutulo na luha ko!

"Allyssa!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Niyakap ako ni Ate Elizah.

"Ang ganda - ganda mo naman baby! Bet ko yang gown mo! Mukha kang princess! Hoy Chard isayaw mo 'to ahh! Sayang naman kung tatayo lang kayo dyan! (^___^)" At hinila niya kami papuntang dance floor.

"Sige ahh! Mamaya na lang! Hinahanap ko pa si Izziah para siya naman ang maging firstdance ko tonight! Baka sagutin na niya ako! Whahahahah XD" natawa naman ako kay ate Elizah.

Buti pa siya kahit papaano napansin yung ayos ko ngayon! Samantalang itong nasa harap ko, puro Allison pagkakita sa akin >___< haayyy buhay nga naman!

Isinayaw naman niya ako. Heaven By Yourside yung tumutugtog na kanta.

"O? Bakit parang hindi ka masaya Ally? ayaw mo ata akong kasayaw eh." Sabi niya sa akin. I smiled and try to think of happy thoughts.

"Hindi ahh! Masaya kaya ako! Your my first dance tonight!" Apparently sa lahat ng dance sa school or parties, siya talaga ang firstdance ko but I'm saving my last dance ng debut ko for him. ^____^v

"But tama si Ate Elizah, You look stunning tonight." Nakakakilig yung way niya magsalita. (>__<) (*^___^*)

"Ikaw din naman eh! You really look like a prefect gentleman." Hindi ko lang masabi na I'm drooling over him tonight! Whahah XD (*^_____^*)

We just stared at each other habang nagsasayaw. This is really heaven by his side. ^___^

***

Natapos ang kanta at umupo muna kami ni Chard sa isang table na nakareserve para sa amin.

Nag-ring ang cellphone ni Chard.

'Babe <3 Calling'

Dali - dali namang sinagot ni Chard ang tawag matapos namin makitang si Allison ang tumatawag.

"Babe, nasaan ka ba?" Sumimangot ang mukha ni Chard at pasigaw na ang sunod niyang pagkakasabi.

"NO! WHY!? SABIHIN MO! BAKIT? ANSWER ME ALLISON! HINDI MAGANDANG BIRO YAN AHH!" at unti - unting dumaloy ang luha sa mga pisngi niya.

Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya.

"PUPUNTAHAN kita! Mag-uusap tayo please... Don't leave me like this.." yan ang huling sinabi ni Chard bago siya tumabo paalis. Sinubukan ko siyang habulin pero natabig niya ako kaya na-out of balance ako. Hindi ko na siya nahabol pa.

***

Simula ng gabing yun.. Hindi na naging maayos ang pagkakaibigan namin ni Chard. Mula kasi noon, nawala nang parang bula si Allison. Hindi namin alam kung saan siya pumunta. Kaya araw - araw, nagmumukmok si Chard. Pilitin ko man siyang kausapin, itinataboy niya lang din naman ako.

Sinabayan pa ang mga nangyari ng paglago ng S & E Couture at ng Architecture Firm nila Daddy kaya halos hindi mabigyang pansin nila Tita si Chard.

Halos isang linggo siyang hindi lumabas sa kwarto niya mula ng gabing iyon. Ngunit lumabas man siya, hindi din naman siya makausap. Madalas hindi niya pinapansin ang lahat ng tao maging ako, sila mommy at sila Tita.

Lalabas siya para kumain tapos magkukulong na ulit sa kwarto niya. Yan lang ginawa niya sa buong summer. Hindi niya ako pinansin hanggang sa magpasukan na ulit.

This Selfish Love of MineWhere stories live. Discover now