Chapter 7: I get it, She's still mad at me
“Hey! Are you alright? Bakit ka umiiyak?” I was about to wipe her tears when she turned away.
Sinundan ko siya at hinanap sa mall nang Makita kong nasa isang bench siya at tila umiiyak. I can see grief mix with guilt in her face.
I can't afford to see her crying.
I smiled bitterly at that thought. How ironic that back then, I made her cry and push her away when Allison left me.
I'm a jerk for doing all those things to her. Kaya gusto kong maayos namin ang lahat.
“I just remembered something. I have to go.” She said
“Wait!” habol ko sa kanya.
“ I told mom and dad that I found you and they're asking you to dine with us at dinner.” That made her stop and glance at me.
“You know mom doesn't stay here for long and she's excited to know how have you been this past few years... “ patuloy ko para makumbinsi ko siyang sumama sa akin.
Mukhang nagtatalo ang kanyang kalooban kung sasama siya o hindi. Then she nod nakaramdam ako ng relief dahil alam kong simula na ito ng reconciliation namin
Pumunta na nga kami sa bahay.
***
Kapapatay palang ng makina, sinalubong na kami ni mommy.
"Allyssa! I miss you so much!" Niyakap ni mommy si Ally
"Where have you been? Nagtatampo ako sayo Allyssa ahh.. After you said that you want to have some time alone four years ago, ngayon ka na lang ulit nagpakita.. I missed you so much.. Alam ko naman na mahirap para sayo ang mga nangyari with your mom and dad but you should have shared your grief with me.. Sana sumama ka na lang sa akin sa Paris para ako ang nag-alaga sayo..” Tuloy – tuloy na sabi ni Mommy habang akay si Ally papasok ng bahay. Nakasunod lang ako sa kanila.
"Wag ka magtampo Tita.. in fact marami akong natutunan these past years.. Everything that I've gone through made me grew stronger and more independent."
Niyakap ni mommy si Ally.
"I'm so proud of you.. nagmatured ka na nga! Wag ka na ulit mawawala ahh! I miss you so much! Pati si Tita Fifi mo lagi kang hinahanap."
"Ma'am handa na po yung pagkain" sabi ni Dina, kasambahay namin.
Bumitaw sa pagkakayakap niya kay Ally si Mommy.
"Let's eat! Nagpaluto ako ng favorite mong kare - kare."
At inakay niya si Ally sa dinning room.
Pagpasok namin ng dinning area, nang makita niya si Manang Rosey agad niya siyang niyakap. At nagkamustahan. Naaalala ko noon, sobrang close namin si Manang.
Mas close pa nga ako kay Manang kaysa kay Mommy. Mas madalas na si Manang ang nag-aalaga sa akin lalo na noong bata pa ako.
Spoiled kami ni Ally kay Manang noong bata kami. Katuwiran ni Manang, minsan lang maging bata kaya adventurous kami. Naranasan namin laruin lahat ng larong kalye, maligo sa ulan, at lahat ng mga ginagawa ng normal na bata galing sa simpleng pamilya.
"Manang! I miss you! Kamusta?"
"Ok naman! Eto malakas pa! Ikaw? Ang ganda - ganda mo pa lalo ngayon Allyssa. :) "
"Hindi naman masyado.. ikaw talaga manang eh.. Ok naman po ako. Graduating ako this sem. Punta ka Manang ahh! Kayo ni ate Tasia aakyat ng stage kasama ko ahh."
"Oo ba! Ang bilis ng panahon. Ang laki - laki niyo na ni Chard! Samantalang dati nangunguha pa kayo nang palihim ng cookies sa kusina tapos lagi ko kayong nahuhuli."
Naalala ko yun! Isang beses sabi namin hindi kami kumuha kaso may crumbs ng cookies sa damit namin at may chocolate pa kami sa pisngi. Whahaha XD
"O sya, umupo ka na at kumain." At ganun nga ang ginawa ko.
Saglit kaming nagdasal bago kumain
"So Ally, where have you been all this years?" Tanong ni Dad kay Ally.
"I tried to pursued your cousin to tell me where are you but Jared said he also don't know." Dagdag pa ni Dad.
"I've been in Korea for few months Tito, then dumating yung invitation for me para mag aral sa PRIU kaya doon po talaga ako nag stay. Even sila Kuya Jared, hindi alam na nadoon lang po ako."
"Ahh I see." Tanging sagot ni Dad.
"Anong ginawa mo sa Korea?" Tanong ni Mommy kay Ally.
"I just came to visit a friend and try to recover.." she give us a reasurring smile and continue eating.
After dinner, nagkwentuhan lang sila ni Mom about everything they missed out while I just listen to them.
Malaki ang pinagbago ni Ally but her old habits were still present..
like how she tuck her hair strands in her right ear when she's flattered or praised by others.
Nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin siya nang may tumawag kay Mom.
"Hi!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
She just smiled at me then grab her bag and it seems like she's looking for something.
I asked her what she's looking for but she just continued what she's doing.
OKAY... I get it! Ayaw niya akong kausapin. I can't blame her. But I need to talk to her.
"Ally, I'm sorry for what I did to you years ago."
Tinignan niya lang ako. I tried to reach her hand, pero iniwas niya.
"Your sorry wasn't enough. Hindi nyan maitatama lahat ng ginawa mo." At tumayo siya. Sakto namang papalapit na si Mom at nagpaalam na siya.
"Ihahatid na kita Ally." Pero tpid na ngiti ang isinukli niya.
"I can manage."
Si Mom ang naghatid sa kanya hanggang sa gate. Habang nanghihina akong napaupo sa sofa.
"Richard, what's up with you and Allyssa?"
"I just said sorry Mom... I guess I need to do more to earn her forgiveness..."
Niyakap ako ni Mom
"You better fix everything with her."
YOU ARE READING
This Selfish Love of Mine
Teen FictionIstorya ito ng magbestfriend na nain-love sa bestfriend. PANGKARANIWAN??? Sinong author ang gumawa ng isang istoryang pangkaraniwan? Siyempre may twist! ^_^v This is a story of Love, Friendship, Betrayal, Expectations, False Hopes and Failure but t...
