Chapter 14: It paid off

32 0 0
                                    

Naglalakad ako pauwi sa dorm. Weekend na naman bukas pero wala akong pupuntahan kaya di na ako kumuha ng weekend pass.

It's been three days since pumayag siyang magpakasal pero hanggang ngayon, ni hindi man lang ako tinawagan ni Chard.

Hindi naman sa nalulungkot ako pero napapaisip lang ako kung totoo ba tal---
Nawala ang alinlangan ko nang makita ko si Chard na nakasandal sa kotse niya.

He smiled nang magtama ang aming paningin. Agad niya akong nilapitan

"Hi!" Maikling bati niya at  inalalayan niya ako papasok sa kotse.

Palabas na kami ng PRIU nang tanungin ko siya kung saan kami pupunta.

"Saan tayo?"

"Basta... I know you'll love it there!"

"Wala akong weekend pass kaya kung pwede, paki---"

"Here. I managed to get one for you" putol niya sa sinasabi ko. Habang inaabot niya sa'kin yung pass.

He's smile is so charming, I can't help but stare at him while he's driving.

Until I fell asleep.

Nagising ako nang maramdaman kong namatay yung makina ng sasakyan.

Nasaan kami? Parang pamilyar yung lugar.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko.

"No way!" Agad akong lumabas ng kotse at patakbong nagtungo sa paborito kong vacation house nila Chard.

"I told you! You'll gonna love it here."

Sa sobrang saya, dinamba ko siya at nagtatatalon habang yakap ko siya.

"Thank you! Namiss ko talaga dito!"

We're inches apart konti na lang, muntikan pang maglapat ang labi namin kaya napahinto ako.. napahinto kami..

*AWKWARD*

Ilang segundo kaming nagkatitigan.

"Sorry" sabi ko nang makabawi ako at nagbigay nang espasyo sa pagitan namin.

Nginitian niya lang ako at inayang pumasok.

Walang masyadong nagbago sa bahay, kaya tumakbo ako sa likod upang makita yung infinity pool na ideya ni Mommy.

Sila Mommy ang nagdesign at sila Daddy ang gumawa ng vacation house na ito. May infinity pool at sa gilid nito ay may hagdanang papunta sa dagat.

Kamangha-mangha ang tanawin sa likod bahay. At gawa rin sa salamin ang mga dingding ng bahay.

Noong bata pa ako, madalas kaming pumupunta dito. Palagi kong pinipilit sila Mommy na hiramin ito kina Tita.

Nang mag7 years old ako, hiniling ko kay Daddy na bilhin na lang nila ito, kaya lang sabi ni Daddy, ayaw ibenta nila Tita dahil may sentimental value.

Napakabratinella ko lang nung bata ako di ba? Gusto kong regalo sa birthday ko, bahay bakasyunan? Whahaha XD

"Ally" a shiver runs down my nape nang tawagin ako ni Chard.

Tinabihan niya ako. Inantay ko siyang magsalita habang na mamangha sa ganda ng tanawin habang lumulubog ang araw.

Nilingon ko siya dahil ang tagal niyang magsalita.

Pero na-conscious ako dahil nahuli ko siyang nakatitig lang sa'kin.

"Bakit?" Dama ko ang nagiinit kong mga pisngi.

At sinamahan pa ng pagpigil ko sa'king paghinga nang yakapin niya ako mula sa likod.

Ramdam ko ang pagbuga niya ng hininga sa aking balikat at leeg.
"I miss you Ally... I miss this... Let's stay like this"

KENEKELEG EKE!!!

We stayed like that for until the sun completely sets.

***

I'm sipping my coffee at the balcony when I felt someone hug me from behind.

Hindi ko na kailangang lumingon pa para malamang si Chard yun.

Yung yakap niya, pamilyar na sa'kin.

Parang ang clingy niya lang talaga ahh! Not that I'm complaining! Naninibago lang.

Kanina nang kumakain kami, para akong bata sa sobrang pag-alalay niya.

Pero ang sarap sa pakiramdam na yung mga bagay na dati pinapangarap mo lang, ngayon natutupad na.

"Ally, pwede bang tabi tayo matulog?" Para siyang bata nang lingunin ko siya with matching pout and hopeful eyes!

Hindi ko napigilan ang sarili kong tawa at kinurot ko ang mga pisngi niya!

"Bakit ang clingy mo ngayon?" Curious na tanong ko.

Naging seryoso naman ang mukha niya at niyakap ako paharap.

"I miss you. I miss everything about you. Honestly, since you left me, I realized everything you did for me. I longed for your presence and your cuteness and thoughtfulness. I realized everything you did for me."

"Ally, if I could turn back time, I won't act like a jerk. I will treasure you at susuklian ko yung pagmamahal na binigay mo."

Pwede pala talagang mangyari na pagkatapos ng ilang taon nang pagpapahilom, para kaming bumalik sa dating kami. Everything was familiar. Na parang nabura ang lahat.

"Kaya ngayon, wag ka na magtaka, kung maging sobrang sweet ko sa'yo. Kasi bumabawi lang ako sa lahat ng kasalanan ko sa'yo. Sa lahat ng sakit na binigay ko sa'yo. Sa lahat ng panahon na sinayang mo sa'kin. Ngayon babawi ako, at susuklian ko lahat ng ginawa mo."

I don't know what to say..

"Nang mawala ka, yun ang naging wake up call ko. Kaya ako nagpakatino at inayos ang buhay ko. At ngayon na nadito ka na, sisiguraduhin kong hindi ka na makaka-alis pa."

I'm crying and sobbing as he said those full of sincerity.

"Yan! Ganyan na lang kita papaiyakin. Sa saya na lang.." Sabi niya at pinunasan ang luha ko gamit ang T-shirt niya.

He carried me to he's room and we lie down hugging each other.

I fell asleep that night, feeling heavenly.

Panaginip ba 'to? Kasi parang oo.

Na-appreciate naman pala niya lahat ng ginawa ko eh...

Everything I did back then and every heartache I felt has paid off.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Selfish Love of MineWhere stories live. Discover now