Pagkalabas ng kapatid ko,
napahiga ako sa kama ko habang hawak pa rin yung phone ko.
“Dumb new classmate…”
ulit ko sa sarili ko.
Kung dumb siya, bakit ako nakangiti? Kung wala lang siya, bakit hinihintay ko yung reply niya?
“Ugh, Sarah ano ba ‘to…” bulong ko habang tinatakpan ng unan yung mukha ko.
Hindi naman ako ganito eh. Hindi ako yung tipo na kinikilig sa mga ganitong bagay. Masaya na ako sa k-drama, sa books, sa sarili kong mundo.
Pero bakit parang…
biglang may sumisingit?
*Phone vibrates.*
Ayun nanaman siya.
“Natulog ka na ba? Kumain ka na? Wag ka papagutom ha. Baka mawalan ako ng mapapangiti bukas.”
Ano ba ‘tong lalaking ‘to?
“Concerned ka?” reply ko.
(After 3 seconds)
“Sayong-sayo.”
ANG BILIS NAMAN??? Wala ba ‘tong buhay???
“Ew.” sagot ko.
“Ew din, pero kinikilig ka.”
Napaupo ako bigla.
“Hindi ah.”
“Sure?”
“Sure.”
“Okay, tingnan natin bukas.”
Napakunot noo ako.
“Tingnan ang alin?”
“Kung makakaiwas ka pa sakin.”
Tahimik ako.
Hindi ako nagreply.
Hindi dahil wala akong maisagot
kundi dahil…
hindi ko rin alam.
Kasi sa totoo lang, hindi ako sigurado kung gusto ko siyang iwasan.
Kinabukasan.
Pagpasok ko pa lang sa school, may kakaibang pakiramdam na agad. Parang… may inaabangan.
“Uy Sarah!” bati ni Clea habang kumakaway.
“Hi…” sagot ko, medyo lutang.
“Okay ka lang? Mukha kang may iniisip.”
“Wala naman…” sabay upo ko sa tabi niya.
Pero bago pa ako makapaglabas ng phone ko
“Good morning, wifey.”
Napapikit ako.
Hindi ko na kailangan lumingon.
Alam ko na kung sino ‘yon.
“Hindi kita ininvite.” sagot ko.
“Hindi mo kailangan. Inaangkin na kita eh.”
“Kadiri.”
“Pero tumabi ka.”
Napailing ako pero…
umusog ako ng konti.
At doon ko na-realize
delikado ‘to.
Kasi imbes na mainis ako…
parang nasasanay na ako.
