We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Something's Off

4 0 0
                                        

Hindi ko alam kung kailan nagsimula
pero unti-unti, nasanay na ako sa presensya ni Nathan.

Yung tipong hindi pa siya nagsasalita,
naiirita na ako…
pero kapag wala siya,
parang may kulang.

“Good morning, wifey.” bati niya ulit, sabay upo sa tabi ko na parang siya na talaga may-ari ng pwesto.

“Hindi mo ba kayang manahimik kahit isang araw?” sagot ko, pero hindi ko na maitago yung maliit na ngiti ko.

“Kayang-kaya… basta ikaw kausap ko.”

“Corny.”

“Effective naman.”

Umirap ako, pero hindi na ako lumayo.

Delikado nga.

“Sarah, dito ka mamaya ha?” biglang sabat ni Clea, hawak ang pulso ko.

Napalingon ako sa kanya.

“Bakit?”

“Practice. Audition mo ngayon, remember?”

“Ha? Sabi ko pag-iisipan ko pa”

“Wala ka nang iisipin. Naka-line up ka na.”

“What???”

Tumawa siya.

“Trust me.”

Ewan ko ba kung bakit,
pero kapag siya ang nagsasabi ng “trust me,”
parang… gusto ko.

After classes,
hinila ako ni Clea papunta sa gym.

“Clea, hindi talaga ako ready”

“Relax. Nandito lang ako.”

Nandito lang ako.

Simpleng salita.
Pero bakit parang…
iba yung dating?

Habang nasa gilid ako, pinapanood sila,
napansin kong ibang-iba si Clea dito.

Confident.
Strong.
Magaan kumilos, parang alam niya kung saan siya nababagay.

“Your turn.”

“Ha?!”

“Go.”

Tinulak niya ako ng marahan papunta sa gitna.

“Clea”

“Look at me.”

Napatingin ako sa kanya.

“Wag mo silang tingnan. Ako lang.”

At sa dami ng tao sa paligid
siya lang ang nakita ko.

“5, 6, 7, 8—!”

Nagstart ang music.

Sa una, magulo.
Mali-mali.
Halos gusto ko nang tumakbo pabalik.

Pero sa bawat galaw
nakikita ko siya.

Nakangiti.
Nakatango.
Parang sinasabing kaya ko.

At hindi ko namalayan
sumusunod na yung katawan ko.

Pagkatapos ng music,
huminga ako nang malalim.

Tahimik.

“Okay…” sabi ng isa sa panel.

“Interesting.”

“May potential.”

“See?” bulong ni Clea sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya.

Sobrang lapit.

“Sinabi ko naman sa’yo.”

Hindi ko napansin…
pero hawak pa rin niya kamay ko, at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko binawi.

“Wow, what's with the holding hands?”

Biglang sumingit si Nathan sa likod namin.

Agad akong napabitaw.

“Wala ah.” sabi ko.

“Sure?”

“Practice lang ‘yon.” sagot ni Clea, kalmado.

Napatingin ako sa kanya.

Hindi siya ngumiti.

Hindi rin siya nagbiro.

Iba.

“Hatid kita.” sabi ni Nathan habang naglalakad kami palabas.

“Hindi na—”

“Hatid kita.” ulit niya, mas seryoso.

Sumunod ako.

Pero bago ako tuluyang lumabas ng gym—
napalingon ako. Nandoon si Clea, nakatayo lang. Tahimik, nakatingin sa’kin. Hindi ko mabasa kung ano ‘yon pero may kung anong kumurot sa dibdib ko.

“Uy.”

Napalingon ako kay Nathan.

“Kanina ka pa tahimik.”

“Wala lang…”

“Sigurado?”

Tumango ako.

Pero hindi ako sigurado. Kasi habang naglalakad ako sa tabi niya
siya dapat yung iniisip ko.

Siya dapat yung nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Pero bakit iba yung pakiramdamnung hawak ni Clea kamay ko?

Who's The One?Stories to obsess over. Discover now