We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

The Ride Home

4 0 0
                                        

Nakaupo ako sa passenger seat,
at Nathan… well, nagda-drive.

Okay.
Kaya ko naman mag-commute.
Pero siyempre, hindi ko sasabihin yun. Diba?
Pride level: 100. Ego: mas mataas.

Tinitingnan ko ang kamay namin. Awhile ago, I was just thinking about clear holding my hands, and the audition, stuffs. Tapos ngayon, magka-hawak na rin kami ni Nathan??
Hindi ko alam kung bakit nagkakahawak kami.
Hindi rin ko naman siya hinawakan.
Pero siguro… parang hindi ko rin kaya.

“Oop, no traffic.”
Sabi niya, parang normal lang.
Normal lang?
Sana normal lang talaga siya.
Pero bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng hawak ng kamay niya?

Sa isip ko, nagkakaroon ng mini-drama:

Option 1: Wag mo pansinin.
Option 2: I-hold mo rin.
Option 3: Bumilis ka ng tibok at isipin na corny ka.

“Sarah?”
Biglang sabi niya, nakatingin sa gilid ko.

“Ha?”
Sagot ko, para lang may pinapansin sa road.

“Okay ka lang?”

Okay? Okay ba talaga ako?
Parang… hindi.
Pero okay na rin.
Siguro.

At dito nagkataon… napatingin ako sa kanya.
Hindi ko maintindihan.
Parang yung universe sabi: “Here, have a rest.”

Sa sobrang awkward/maingat ko, may halong nakakatuwang iniisip:

Duh, bakit parang superhero siya? Nagda-drive, hawak ang kamay ko, tapos ako, walang magic powers, just awkward Sarah sitting here, panicking like usual.

Hindi ko alam kung bakit parang okay na lang ako dito. Parang bigla, lahat ng stress sa school, audition, presentations
Parang lumalabas na lang sa katawan ko.

“Almost home na tayo.”
Sabi niya.

“Mmhm.”
Sagutin ko, kahit gusto ko sanang sabihing:

"Wait. Pwede ba tayong tumigil na huwag na umuwi, gusto ko lang hawak ang kamay mo forever?”

At dahil hindi ko sinabi,
napapansin ko lang na… hawak pa rin namin ang kamay ng isa’t isa.
Hindi intentional.
Siguro.

Pero sa isip ko:

Lord, bakit parang gusto ko na lang time-out ng universe at i-freeze ito forever? Wala akong kinalaman sa math, sa thesis, sa world, lahat ng problema, gone. Just Nathan… and me… holding hands like idiots.

Sa wakas, umabot kami sa harap ng bahay ko.
“Safe ka na.”
Sabi niya.

“Thanks…”
Saglit kong napalingon sa kanya.
Walang nagsasalita.
Parang yung silence namin, mas matamis pa sa anumang corny dialogue.

At sa isip ko:

Okay, this is officially awkward. Pero hindi ako nagrereklamo. Parang… pwede na rin sanang everyday ganito. Wala lang. Just me, him, and… well… my thoughts being delulu as always.

Who's The One?Stories to obsess over. Discover now