ilang buwan na mula ng mawala ang anak namin. at ilang buwan na syang ganito.
hindi nya ko kinakausap. palagi syang umiiyak. ni ayaw nyang kumain. hindi ko na alam ang gagawin ko.
magkaiba kami ng kwarto. hindi nya ko kinakausap. hindi sya lumalabas. halos hindi kami nagkikita.
i told my parents what happened, hindi man sila nagalit at alam ko mang naiintindihan nila ko, ramdam ko pa rin ang pagkadismaya nila.
umuwi agad ako matapos bumili ng groceries. hapon na din ng maisipan kong mamili kaya medyo ginabi ako. natatakot kasi akong iwan si danielle kaya isinakto ko na tulog sya.
baka kung anong maisip nya.
natatakot akong maisip nyang iwanan ako.
naabutan ko syang kumakain sa kusina kaya naman napangiti ako. kumakain sya. simula kasi kanina ay hindi nya ginalaw ang mga pagkain na dinala ko sa kwarto nya.
natigilan sya ng makita ako pero sandali lang iyon. ibinaba nya ang mga kubyertos at uminom ng tubig.
akmang aalis na sya pero agad na nahagip ko ang kamay nya.
hirap na hirap na ko. hindi naman pwedeng habang buhay kaming ganito.
"kausapin mo naman ako" malumanay na sabi ko sa kanya. hindi ko na napigil ang pangingilid ng luha ko.
ang sakit sakin na makita syang nasasaktan. lalo na at kasalanan ko.
"ano bang gusto mo?" malamig na tanong nya
"saktan mo ko, murahin mo ko, suntikin mo ko. kahit ano danielle tatanggapin ko. pero wag naman ganito. kausapin mo ko, para alam ko kung paano aayusin-"
"kausapin?" puno ng sarkasmong sabi nya "bakit hindi mo pa diretsuhin?"
nag angat ako ng tingin sa kanya. anong ibig nyang sabihin? naguguluhan ako
lumapit sya sakin at hinalikan ako. marahas iyon kaya hindi ko nagawang tugunin.
hindi ko sya maintindihan. hinalikan nya ako pababa sa leeg bago hinawakan ang kamay ko. inilagay nya iyon sa dibdib nya. nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. hindi ko na alam kung ajong nangyayari kay danielle.
"gusto mo to diba?" mariing sabi nya at ibinalik ang kamay ko sa dibdib nya. pababa a tiyan, nya. pababa sa pagkababae nya.
"danielle!" saway ko sa kanya "ano bang nangyayari sayo?" bahagya akong lumayo
"wag na tayong maglokohan. ito lang naman ang habol mo sakin diba? sa simula pa lang. you're using me to satisfied your needs in bed!" bumagsak ang luha sa mga mata nya. bakas ang sakit sa bawat salitang binitawan nya.
"hindi totoo yan!" agad na depensa ko "alam mong hindi totoo yan. alam mong minahal kita"
"kung mahal mo ko, hindi mo sana ko iniwan at ipinagpalit sa babaeng mas magaling sa kama!" sigaw nya. marahas na pinunasan nya ang mga luha sa mga mata.
"dahil mas pinili mo ang kapatid ko"
"ang sabihin mo, hindi mo matanggap na naging makitid ang utak mo. magkaibigan na kami ni joshua bago ka pa dumating. at pakiramdam mo lahat aagawin nya sayo. kaya bago ka pamaagawn ikaw na ang bumitaw" sigaw nya na humampas sa muka ko. ang sakit na marinig mula sa bibig nya iyon. pero iyon naman ang totoo. im selfish "i have love you, that's the biggest mistake i ever did"
"dont say that please" my tears started to fell
"anak ko na lang ang natitira sakin jacob. nawala pa" napaupo sya sa sahig habang umiiyak "sya na lang ang maituturing kong akin, sya na lang ang dahilan ko para mabuhay. pero wala na. sana pinatay mo na lang din ako"
nilapitan ko sya at dinaluhan sa sahig. gusto ko syang yakapin ng mahigpit. try to somehow ease the pain. pero alam ko rin na mas lalo lang mmkadaragdag yon sa dinadala nya.
i killed her inside. nawala ang anak namin dahil sa kasalanan ko
"can you imagine? that lustful night took everything away from me. that love i had for you ruined my life. you're the worst thing ever happened to me if i could turn back time, iiwasan ko ang pagkakataong nagkakilala tayo jacob"