Paglalakbay

17 1 0
                                    


Gusto kong umiyak yung malakas

Baka kasi sakaling marinig mo at dali-dali mong hakbangin ang distansya mula diyan patungo rito

Gusto kong tumakbo yung malayong malayo sayo

Baka kasi sakaling maisip mong habulin ako

Baka sakaling hawakan mo ang mga kamay ko at punasan mo ang mga luhang traydor na nag-uunahang pumatak sa pisngi ko

Makasarili ba kung hihilingin kong iwan mo muna lahat ng ginagawa mo at tabihan mo ko rito para sa isang yakap na nagsasabing

"Okay lang yan, Andito na ko"

Hihilinging ukupahin mo na ang binigay sayong ispasyo

Makasarili bang matatawag kung hihilingin ko sayo ang mga ito?

Pasensya kana, maging ako man ay naguguluhan

Sumisikip na ang dibdib dahil sobra ng nasasaktan

Hihigpitan ko muna ang gapos ng hawakan

Dahiil darating din sa puntong patuloy na itong bibitawan

Kagaya ng salamin na nabasag at nagkapira-piraso

Tulad ng tubig sa isang malinaw na baso

Tila itinali gamit ang manipis na laso

Damdamin sayo'y tila apoy na nakakapaso

Ako'y sa pagtulog didiretso

Ipipikit ang mga mata't mananalangin

Na sana ang Maykapal aking hiling ay dinggin

Luhang kumikinang tulad ng mga bituin

Unti-unti ng pupunasin

Dahil sa pagtulog ika'y muling mananatili,

mananatiling papangarapin.

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon