Real Talk. Hindi dapat lalake ang nagdedesisyon kung anong isusuot mo.
Oo granted iniingatan ka lang niya kaya ayaw niyang mag-shorts ka, pero masyadong controlling naman pag ganoon.
Alam ko yung iba kinikilig pa kapag strict ang lalake, pero like seriously, hindi ka ba marunong mag-decide para sa sarili mo?
Okay lang naman na sundin mo siya kung gusto mo rin iyong suggestion niya, pero sana hindi mo lang siya sinusunod para mapasaya siya.
Kung feeling mo tama ang opinyon niya, sundin mo. Pero kung hindi ka kumportable, mag-voice out ka. Kung may gusto kang isuot na ayaw niya, huwag kang magpatalo! Karapatan mo kayang pumili. Bakit? Kapag may boyfriend ka ba wala kanang freedom to choose? Ay naku! I am super against it!
Hindi ko naman sinasabi na isuot mo lahat ng gusto mo ah. Ang akin lang, ikaw ang magdesisyon para sa sarili mo. Hindi lahat ng sinasabi niya ay batas!
BINABASA MO ANG
Real Talk Notebook
ЮморReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.
