Real talk: Hate it when new couples post crap about relationships like they've been thru everything. Please just stop fakin' it!
Madami 'to, lalo na sa facebook. Kay bago-bago palang, sobra nang maka-post.
Example yung mga nagpopost na sobrang na-mimiss na ang isa't-isa. Excuse me! Ilang years kaba nabuhay ng wala yang boyfriend/girlfriend mo? Gaano na ba kayo katagal? Kung maka-miss ka parang ang dami niyong memories ah!
Yung mga bagong couple na sige ang post, halatang insecure sa mga matatagal na, gustong makipagkumpetensya eh!
Kung bago kayo, i-enjoy niyo lang muna and make it private, kasi kapag kayo maghiwalay agad, kakainin mo rin lahat ng pinost mo! Edi pahiya ka!
Accept that you're new and still getting to know each other, huwag niyo gayahin yung mga post ng matagal na kasi hindi bagay. Actually, pansin kong mas matagal ang relationship ng mga hindi mahilig mag-post ng kung anu-ano.
Ang tunay na happy relationship, hindi boastful at hindi maingay because they don't feel the need to prove their happiness to others.
BINABASA MO ANG
Real Talk Notebook
HumorReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.
