Real Talk. Huwag kang mainis sa correctionista, nagmamalasakit lang iyan!
Hindi porke't napahiya ka eh masama na sila. Minsan hindi nila sinasadya iyon, talagang kailangan ka lang nilang sabihan. Sige nga ilagay mo ang sarili mo sa lugar nila.
Makakarinig ka ng kumakanta na mali ang lyrics, maiirita ka naman talaga eh. Ang mahirap niyan kapag paulit-ulit niyang kinakanta ng hindi tama. Ang sakit sa tainga! Ngayon, kung walang pakialam sa iyo iyan edi hahayaan niya ang mali-mali mong lyrics. Isipin mo tong mabuti, ang mga correctionista ay nagmamalasakit lang sa'yo. Tinatama lang niya ang mali mo.
Mas mainis ka dun sa hindi nagco-comment. Alam na niyang mali ka, hindi ka pa pinagsabihan. Hindi ka mahal niyan!
Cheers sa mga correctionista! :) ;) :D
BINABASA MO ANG
Real Talk Notebook
HumorReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.