Real talk: Ang mag-bestfriend, hindi nagkakagustuhan iyan!
Kung bestfriend ang tingin mo sa kanya, at talagang best friend lang, hindi ka magkakagusto sa kanya. Ang tanong, best friend nga ba?
Kung best friend mo, ang tingin mo diyan kapatid. Kahit gaano pa kagwapo/ganda, hinding hindi ka magkakagusto sa kapatid mo. Right?
Kapag feeling mo nainlove ka sa best friend mo, naku, huwag mo lokohin sarili mo, noon pa man hindi best friend ang tingin mo sa kanya. Malamang, matagal ka ng may gusto sa kanya, namisinterpret mo lang at akala mo friendship lang nararamdaman mo.
Kapag nainlove naman sa'yo best friend mo, malamang matagal ka ng gusto niyan. Kaya pala siya nakipagkaibigan. Pa-bestfriend bestfriend pa.
Gets mo? Kapag best friend mo, kapag tunay mong best friend, mahal mo yan na parang kapatid mo, parang tunay mong kapatid.
BINABASA MO ANG
Real Talk Notebook
HumorReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.
