Real talk. Ang pananamit ay inaayon sa itsura.
Oo, ayon sa itsura mo. Kung bata ka pa, huwag kang magsuot ng pangmatanda. Kung matanda ka na, huwag kang magsuot ng pangbata. Simple!
Hindi porke't maganda ang damit eh maganda na ring isuot. Lumugar ka, ang sakit sa mata ng baduy.
Mahal man o mura ang gamit, pumili ka ng bagay sa iyo. Hindi naman mahirap iyon eh. Ang daming murang damit! Hay naku.
Wag ka ring over, iayon mo sa okasyon ang suot mo! At mas lalong wag kang magsuot ng damit na hindi ka kumportable.
Huwag kang mag-sleeveless kung ayaw mong mapagsabihang malaki ang braso. Huwag kang magsuot ng malaswang damit kung hindi naman maganda katawan mo. Huwag kang magsuot ng kulay na hindi bagay sayo. Huwag kang mag-heels kung hindi mo kaya.
Please! Do us a favor at ayusin mo ang itsura mo para hindi ka nakakaabala. Public disturbance. May salamin naman diba!

BINABASA MO ANG
Real Talk Notebook
HumorReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.