Pangit na Vain

310 21 2
                                        

Real Talk. Nakakapangit ang pagiging vain.


Wala namang taong pangit eh, mayroon lang pumapangit dahil sa inaasta. Lalo na iyong vain na hindi naman kagandahan.


Aminin mo, naiinis ka rin kapag nakikita mo sa wall mo ang mukhang hindi kaaya-aya. Nakakainis diba? Saan ba siya humugot ng confidence at kaya niyang mag-post ng ganyang picture?


Nakakainit ng ulo talaga! Mayroon namang hindi kagandahan na okay lang ang picture, yung nakakainis talaga ay iyong hindi na nga kagandahan, hindi pa maganda ang picture pero pinost pa rin.


Siguro nga gusto lang niyang magpatawa, pero sana inisip niya iyong mga taong iinit ang ulo kapag pinost niya iyon. Worst of all, hindi lang kasi once or twice mag-post, sobrang flood ang wall sa dami ng post.


Please! Pumapangit ka kapag ang dami mong post. Try mo maging mysterious and silent, nakakadagdag ng charisma.

Real Talk NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon