Guys eto ung first sa 5 chapters na promise ko. Saka na ung next five di na kaya ng utak ko. I'll post the others later! Labyu guys. Please comment po. Un lang po para malaman ko po ang mga gusto nyong sabihin or isuggest. ^___~
Eto po ang official trailer ng My Prince's Diary sorry kung late sya! *u* Pinaghirapan kong iedit yan. Haha! http://www.youtube.com/watch?v=9oXt3yJJz6o
Nasa prologue po sya. Dun nyo sya pwedeng panuorin. :)
Chapter 16: Why Her? Why Him?
Johanna Manalastas’ POV:
Days passed and the first semester had finished. Nagsembrake na kami. I thought of spending more time with Enzo. Tinetext ko nga eh di naman nagrereply. What happened to him? Ano ba to? Wala nga akong magawa dito sa bahay eh.
Habang nasa loob ako ng kwarto nag-fb nalang ako. Wala nga akong magawa eh. Wala naman interesting post. Nag-wattpad din ako pero walang pumapasok ni isa sa mga nababasa ko. Wala ako sa focus. Nakay Enzo nakatuon ang isip ko.
I decided to go to their house. Nagbabakasakaling andun sya. Nung tatanungin ko ung guard kung asan sya, sabi nito ay ka-aalis lang at may pinuntahan. Sinundan ko naman sya.
I saw his car going to the mall. Nagdisguise ako para hindi nya ko makilala at sinundan ko lang sya.
Johanna, you are so stupid. Gawain ba ng babae ang pag-stalk?
Eh mahal ko sya eh.
Pero you are the bravest girl in the world you can get whatever you want. Why don’t you tell him that you love him?
Natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Baka kase kaibigan lang ang turing nya sakin. Ok, I may sound crazy but the reason why I’m going mad is because of him.
You made me fall for you. Why you?
Hay nako, nagiging psycho nako dahil sa kanya. Ano bato? I get in touch with him pero walang reply, ni isa.
Habang sinusundan ko sya, eh may nabangga akong babae. Hassle naman oh, haharang harang kase sa dinadaanan.
Eh kung umuwi nalang kaya ako. Pero nandito nako, di nako makaka-atras.
Sinundan ko sya at nagulat naman ako ng Makita kong kasama nya si Ella. Napa-closed fist ako. Ok, kaya hate ko si Ella, kase nararamdaman kong gusto sya ni Enzo. Ano to? Bakit sya? Bakit hindi ako? Di hamak naman na mas maganda at sexy ako kesa sa Ella Nebraska na un. Pero kahit anong gawin ko kaibigan lang talaga ang turing nya sakin.
Pinag-patuloy ko ang pagsunod sa kanila. Pati nga sa sinehan sinundan ko sila. Di ko nga pinapanood ang movie eh. Sa kanya lang ako nagfocus. Nakita kong napaka saya nya. Ung kulit nya, ung reaksyon nya pag nagugulat sya. Ung cuteness nya. Ung ugali nya na ni minsan ay di ko nakita. Ung ni minsan ay di ko napalabas sa kanya. Ano bang meron kay Ella. Hindi naman sya mayaman. Lahat kaya kong bilhin at makuha, pero bakit ang simpleng bagay na gusto ko, di ko parin ma-abot?
Hindi ko na tinapos ang movie at umalis na. Pagka-uwi ko, nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak. Iniisip kung gaano ako katanga at binubugbog ko ang puso kong tanga din. Lahat ba ng tao, nagiging tanga dahil sa love?
Naisip ko nga, kung hindi nalang kaya ako umuwi ng Pilipinas para makita sya, baka nakalimutan ko siya at makahanap ako ng ibang mamahalin ko at mamahalin din ako. Pero iba eh. Parang gravity, kahit anong layo ko hindi ko mapigilan ang paghila ng puso ko palapit sa kanya.
Bakit ba sobrang naaapektuhan ako sa lalaking ito? Nerd lang naman sya ah, bestfriend ko lang naman sya ah? Pero
Mahal ko sya eh…
Hay buhay ito oh. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Mico Aquino’s POV:
Ok sige, kayo na, kayo na ang masaya. =___=
Nakakainis naman eh, ung opportunity na hinihintay kong makasama at masolo sya ng isang araw eh nasira.
Eh ikaw naman kase Mico, hapon ka pumunta eh. Natural lang nab aka may lakad. Late ka kase eh.
Hay nako…
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iisip. Ang lalim na ng gabi pero hindi parin ako natutulog. Nagpapalago ako ng eye bags eh. T___T
Buisit naman kaseng nerd yan. Naunahan pako kay Ella. Ano ba ginawa nila? Nagdate ba sila? Baka naman sinamahan lang ni Ella. Pero hinatid gamit ang kotse?
Ano to? Anong nangyayari? Nagseselos nga ba ako?
Oo selos ako. T___T
Actually first time kong naramdaman ito. Sa mga ex ko kase kahit makipaglandian sila wala akong pake. Bakit si Ella, may kirot eh. Alam nyo ung parang mabigat sa dibdib? Ung gusto mong ilabas pero di mo magawa, ung parang nawala ung saya sa mundo, ung gusto mong umiyak ngunit di mo magawa?
I admit, nakakainis ung babaeng yan. Nakakarindi ang bunganga. Minsan nga gusto ko nang itapon sa Mars ang babaeng yan eh. Minsan gusto ko nang busalin ng panyo ung bibig nya sa kaingayan nya. Pero natutuwa ako sa kanya eh. Hinahanap-hanap ko ung katarayan nya. Ung pagtapat nya sa kasungitan ko. Ung bunganga nya. Namimiss ko.
Ung pag-asa ko nab aka may nararamdaman sya para sa akin tulad ng nararamdaman ko para sa kanya.
Pero lahat ng un, lahat ng masasayang bagay sa isip ko nawala lang ng isang iglap.
Siguro hindi sya talaga ang para sa akin. But who cares? Who is she to me?
Sya lang naman ang taong mahal ko. Tama bang ipagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kanya? O hayaan nalang itong mawala.
Oo mahal ko na sya eh. At hindi ko maatim na makita syang may kasamang iba.
Masakit pala talaga. Pero ipagpapatuloy ko ito. Ipaglalaban ko sya.
Ella Guevarra’s POV:
“Tay, siguro namiss nyo kami ni Nanay no? Sorry kung di ka namin nadadalaw ng madalas ha? Alam mo may isa akong lalaking nagugustuhan. Tay wag mo syang mulutuhin ah, mabait sya promise. Alam mo, nung una kong makapasok sa school na ito nung sa second section palang ako, sya ang inspirasyon ko para magpatloy. Nung nakaklase ko naman sya eh ang sungit nya. Pero in a good way mabait sya, nahihiya lang syang ipakita. Tay ha ikaw, gusto ko sya eh. Wag mong mumultuhin ha. Opo tay inlove na ang bebe girl nyo haha.”
Andito ako ngayon kasama ang nanay ko sa sementeryo. Dinadalaw namin ang papa ko. Every year lagi kong kinakausap at kinekwentuhan ang puntod nya. Miss na miss ko na kase sya eh. Lahat ng secrets ko sya lang may alam haha.
Minsan naisip ko, bakit kaya kailangang mawala ng isang tao sa buhay mo? Malungkot syempre, pero na-realize ko kapag si God ay may kinuhang taong mahal mo, may ibibigay siyang bago. Ngayon alam ko na kung sino ang binigay ni God sakin, ung mamahalin ko. Si Mico.
Oo parang shunga lang ako at advance mag-isip, pero feel ko talaga ibinigay nya si Mico sakin eh.
Hay tama na ang drama. Habang nakikipag-usap ako sa puntod ng tatay ko ay may nagsalita.
“Yan ba ang papa mo?”
Ha? Sino un?
“M-mico?!”
YOU ARE READING
My Prince's Diary
Teen FictionElla is a scholar in a first class school in their town. She is a typical, simple girl who faced challenges of everyday life including bully girls which made her life miserable and difficult. On the other hand, Mico is a star of that school, but he...